Chapter 19: Dark Agenda

1798 Words
"The board of committee ay nagkasundo na para sa gaganaping pagpipili kung sino ang susunod na magiging CEO ng kompanya ni Benj. And according sa kanila, nasa inyong dalawa ni Brix ang pagpipilian nila dahil ikaw bilang isa sa mga malapit niyang kaibigan at si Brix na step brother niya." Pagbabalita ni Attorney Robles sa akin nang minsan ay may ipinaayos ako sa kanyang papeles para sa negosyo ko. "Really? So kailan ang botohan nila? Is there a chance na ako ang mananalo?" Tanong ko. Kung mayron man na umako sa naiwan ni Benj ay ako yon dahil ako ang nakakaalam sa mga plano niya. "They need a lot of time to think, Kenneth. May tendency na ikaw dahil matalik na kaibigan ka ni Benj at hindi maikakaila na alam mo ang mga plano niya sa kumpanya but, mas mataas parin ang tendency na si Brix dahil kapatid niya ito." Sagot ni Attorney. "Wait, step brother niya si Brix. Hindi sila magkadugo. How come na malaki ang tendency na siya ang pipiliin? Bastardo lang siya ng tatay ni Benj, hindi tunay na anak si Brix." Pakikipagtalo ko dahil ramdam ko na ang kaba sa dibdib ko. "Kenneth, Brix still a brother of Benj, pamilya pa rin sila, magkapatid pa rin sila." "And paano ako? Paano ako mananalo sa botohan kung nilalaban mo ngayon na magkapatid pa rin sila? Come on, do something for me. Pabanguhin mo ang pangalan ko sa kanila." Napepressure kong utos kay Attorney. "Wala na ako sa posisyon na 'yan, Kenneth. Ang board of committee na ang masusunod dyan." Sagot nito sa malumanay na tinig. "f**k!" Natapik ko ang lamesa dahilan para magdulot ito ng ingay. "But one thing for sure na magpapanalo sa'yo ay si Cleo.." usal niya dahilan para mapaangat ako ng tingin sa kanya. "What about her?" "If macoconvince mo sila na kaya mong akuhin ang responsibilidad na naiwan ni Benj as father to Cleo, how come pa kaya sa kompanya. Malaking advantage sa'yo na isa ka sa nakasulat sa last will and testament nilang mag-asawa to protect Cleo at all cost. Magagamit mo si Cleo para makuha mo ang kumpanya ni Benj. Ang problema lang ngayon ay si Alona.." Hindi naman ako magiging desperada na kumbinsihin ang babae na 'yon kundi dahil sa nalaman kong pilian na magaganap sa kumpanya ni Benj. Nagkataon pa na napagdudahan ko siya na baka isa siya sa killer o kalaban. Kaya naman buong tapang ko siyang pinuntahan sa bahay niya. Inaasahan ko na after ng ilang araw ay makakapag-usap kami ng maayos, hindi pala. Mas malalang sagutan pala ang mangyayari sa amin ngayon. Salitan ng kuro-kuro sa bawat isa na ang naganap. Bintangan doon, bintangan dito. Hinala dito, hinala doon hanggang sa... "Kenneth, sige na, sasabihin ko na." Napahinto ako sa pagpihit sa pintuan ng sasakyan ko dahil sa boses na 'yon ni Alona sa likod ko. Napahinto ako at walang sinayang na oras para harapin siya. Habol niya ang kanyang hininga nang suriin ko ang postura niya. Hindi man ako ang may sasabihin pero ako itong pinapatay ng kaba. Hindi man ako ang tumakbo pero sobrang lakas ng pintig ng puso ko. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya. Tinitigan niya muna ako ng ilang minuto at humugot ng malalim na buntong-hininga bago ako tuluyang sinagot. "Alam ko na parehas nating pinagdududahan ang isa't isa pero wala na tayong oras pa. Hindi tayo ang tunay na magkalaban, Kenneth. Sa gulong 'to, magkakampi tayo at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag hindi ko nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kaibigan ko." Tumikhim siya bago ulit nagsalita. "Takot akong manirahan sa isang bahay na kasama dahil alam mo kung ano ang nangyari sa atin non...at ayoko nang maulit pa sa ngayon..." Natigilan ako. Alam ko naman una pa lang na iyon na ang isa sa mga dahilan niya kung bakit ayaw niya akong makasama sa iisang bahay. May trauma pa rin siya sa nakaraan namin na maski ako ay hindi pa rin nakakalimot. Tinignan ko siya mata sa mata at wala akong makita na bahid ng kaplastikan sa mukha niya. Ito ang Alona na minahal ko, ganitong-ganito. ".... pero, sige, para kay Cleo, para sa kaligtasan ni Cleo, pumapayag na 'ko." Alam ko sa sarili ko na dapat ngayong nagsasaya ako dahil sa wakas pumayag na siya pero mas pinangunahan ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. s**t! Naguguilty na ba ako? "Attorney, she finally said yes, kindly prepaire now the papers needed for the agreement. Hinihintay ko nalang siya na bumaba." "Okay, noted." Pagkababa ko ng tawag mula kay Attorney ay sakto naman na bumaba na rin ang hinihintay ko. Patakbong lumapit si Cleo sa akin, niyakap niya ako gamit ang munti niyang mga braso. Nakaramdam naman ako ng sweetness doon pero kapag ganoon na nagtatama ang tingin namin, sinasampal ako ng guilt dahil sa masamang balak ko sa kanya. "Sorry natagalan, nagpopo pa si Cleo e kaya pinaliguan ko pa." Usal ni Alona pagdating sa harapan ko. Tumango na lang ako at sinenyasan na siyang pumasok na sa sasakyan para makalarga na kami. Iginaya ko naman si Cleo sa may backseat habang si Alona ay sa passenger seat, sa tabi ko. Pagkasakay ko sa driver seat ay kinuha ko sa may bulsa ko ang epektus ko. Walang pasabi kong ikinabit sa palapulsuhan ni Alona ang isang pares ng posas. Gulat na gulat siya sa ginawa ko. "Hoy! Ano 'to? Para sa'n 'to?" Tanong niya habang inaayos ko 'yong pagkakalagay ko ng posas sa kaliwa niyang palapulsuhan. Kanang palapulsuhan naman ang sa akin nang sa ganoon ay hindi niya ako masalisihan. "Just to make sure na hindi mo 'ko tatakasan." Usal ko. "What the? Seryoso ka ba?" "Yap!" Nakailang reklamo siya sa akin na tanggalin ko 'yon dahil nangangalay siya ng sobra sa postura niya. Ang isang kamay ko kasi ay nakahawak sa manibela at kinakailangan niya pang iangat ang nakaposas niyang kamay para makapagmaneho ako ng maayos. Pagdating namin sa opisina ni Attorney ay sinimulan na namin ang pakay namin. Syempre walang humpay pa rin ang reklamo ni Alona sa nakaposas niyang kamay kaya bago pa siya pumutok sa galit ay tinanggal ko na. Hinampas niya pa ako ng malakas kaya pumilipit ako sa sakit. Pero mas masakit ang banat niyang hindi daw siya bumabalik sa mga ex niya at hindi siya makakapayag na mauto ko ulit siya. After non ay binigyan niya kami ng kaunting advice para sa co-parenting namin lalo at titira na kami sa isang bahay. Matapos non ay dumaan muna kami sa bahay niya para kunin ang kanilang mga gamit. Hindi kasi safe ang bahay niya dahil sure ball ay alam na ng mga kalaban namin kung saan kami nakatira. "Sigurado ka ba sa gagawin mo? Pupunta kayo ng probinsiya? E paano yong kumpanya mo at ni Benj kung aalis ka?" Tanong ni Chris thru audio call. Naisipan ko muna silang tawagan habang inaantay si Alona para sana humingi ng advice kung saan kami pwedeng magtago pansamantala. "Sekretary ko na ang bahala don basta kailangan namin magdoble sa ingat lalo may kasama kaming bata at hindi namin alam kung sino o anong klase ng tao ang kalaban namin." Sagot ko. "Pre, living in the province is not a safe option. Paano kapag masundan nila kayo tapos nagkaemergency o di kaya may ginawa silang di maganda sa inyo? Paano ang back up niyan kung sakali? Paano namin kayo tutulungan, huh?" Komento naman ni Luis. Ramdam ko na din yong kaba sa kanila. "Madali lang yan, may selpon naman e." Sagot ko. "Gago! Anong gusto mo, pagtinarget nila kayo isang tawag mo lang nandon na agad kami? Paano kami pupunta don, lilipad kami ganon?" Singhal ni Chris. Natawa naman kami ni Luis sa singhal na yon ni Chris sa akin except kay Rhaiven na nakajoin nga sa audio call pero hindi naman nagsasalita. "Ang tanga nito!" "Pakyu ka! Seryoso kasi." Patutsada ko kahit natatawa pa rin. "Why don't you live nalang sa building natin? Bakit kailangan nyo pang lumayo?" Sa wakas nagsalita na din si Rhaiven. "Oo nga 'no, may building pala tayo. Ken, safe din pala don. Hindi naman nakakapasok ang sino-sino sa floor na yon ng walang card e. Hindi pa suspicious ang building na 'yon dahil parang normal lang na agency building 'yon pero sa tuktok non is mga condo natin." Usal ni Luis. "I agree." Sambit naman ni Chris. "Maganda din don kasi kapag nandon kami nakatambay ay mababantayan pa namin sila kapag wala ka." "Kung gusto mo, maglalagay kami ng security doon para mas safe sila." "Okay okay. Nice idea. Sige, doon na lang kami. Thanks for the idea." "Teka, himala pala napapayag mo na siya." Pag-iiba ni Luis sa usapan. I move away para hindi marinig ni Alona ang pag-uusap namin. "Shh! Hinaan mo nga ang boses mo diyan. Nandito ako sa bahay niya, okay?" "Okay, sorry sorry. Chismoso lang." "I don't know if naguilty ba siya o pagod na siyang makipagbangayan sa akin. Basta ang alam ko after ng away namin sinundan niya ako kanina and sinabi na payag na siya for Cleo. Mga pre, this is a nice move para makuha ko 'yong kumpanya ni Benj. Alam niyo bang nagpaplano na yong mga board of committee para sa pagpipili sa magiging CEO. Malaki ang chance na hindi sa akin mapupunta pero kapag gagamitin ko si Cleo, who knows maconvince ko sila at sa akin ibigay. Is it exciting?" "Well, exciting but still risky. Bata na ang pinag-uusapan diyan. Hindi basta bata 'yan, anak ni Benj yan, si Benj na parang kapatid mo na." Usal ni Chris. "Isama mo pa si Alona. Baka patayin ka non kapag nalaman niyang palabas lang lahat ng ginagawa mo sa kanila." "Tsaka na yang consequences, okay? Don muna tayo sa reward." "Reward versus honesty?" Tanong ni Rhaiven. Alam ko sa kanilang tatlo, siya itong number one basher ko pero dedma lang ako. Kaibigan ko pa rin naman siya. "Aanhin ko ang honesty kung walang reward? Come on, Rhai, we business minded people dont think honesty. Honesty is just a piece of s**t. Kaya kahit alam kong ayaw mo at hindi ka sang ayon sa gusto ko, I dont care. This is my life, my rule, my own karma. Hanggat mapapakinabangan ko sila, I'll going to use them at kapag hindi na, edi iwan na. Ganyan ang estilo natin bilang mga playboy di ba? Wala tayong konsensya." "E pano kapag nahuli ka?" Tanong ulit ni Rhaiven. Ramdam ko ang concern niya. "Walang mahuhuli kung walang magpapahuli, okay? Don't worry, kung inaakala mo sasaktan ko sila kaya ka tutol sa plano, pwes, nagkakamali ka. I won't harm them. Hindi ko sila sasaktan, gagamitin ko lang sina Cleo at Alona." A/N: VOTE AND COMMENT PLS
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD