Chapter 18

2357 Words
Kenneth' POV "f**k that woman!" Iritadong singhal ko matapos itungga ang isang bote ng alak. "She keeps throwing accusations at me—it’s getting on my nerves." After ng meeting na 'yon with Attorney Robles ay napagdesisyunan ko munang lumayo kay Alona dahil mainit pa ang tensyon sa pagitan namin dalawa. Umuwi muna sila ni Cleo sa bahay niya habang ako ay kasama ko ngayon ang mga one call away kong mga kaibigan dito mismo sa condo ko. Inilabas ko na ang sama ng loob ko sa kanila about sa nangyari kanina. Gusto ko rin ng makakausap ngayon. "Tumama naman sya ah," Rhaiven commented, Nakangisi pa ang loko. Sina Luis at Chris naman ay natawa na lang sa sinabi nito. Pinagtaasan ko sya ng kilay pero hindi manlang sya natakot. "Its not funny, Rhai." Umayos siya ng upo saka humarap sa akin. "Sa tagal mong naging girlfriend si Alona, sa tingin mo ba hindi nya kabisado kapag ganyan na may tinatago ka? Nagsisinungaling ka pa lang, buking ka na nya. Kung ako sayo, tigilan mo na 'yan. Gawin mo na ang nararapat lalo na at hindi nyo kilala yong Alex na 'yon." "Isa pa yang tanginang yan e. Sino kaya ang Alex na 'yon?" Tanong ko kahit wala naman makakasagot. "Wala ba talagang nasabi si Benj sa'yo non about kay Alex? Baka naman meron, hindi mo lang maalala." Tanong ni Chris. "I swear wala talaga. Kilala nyo ko, naaalala ko lahat kahit limang piso nyong utang sa akin nong college tayo pero 'yong Alex na 'yon, hindi talaga. Hindi ko nga alam kung saan lupalop sya ng mundo galing." Tumagay ulit ako ng at napabuntong-hininga ng malalim. "Alam na ba 'to ni Brix?" "He doesnt have to know about it. Baka siya pa ang mastermind lahat ng 'to." Nagtatakang tingin ang itinapon nilang tatlo sa akin dahil sa panghuling sinabi ko. "Don't tell me, pinagdududahan mo si Alona at Brix?" Tanong ni Luis sa akin. Punong-punong ng pagtataka ang kanyang mukha. Hindi naman dapat uusbong ng kahit na anong pagdududa kay Alona kung hindi dahil sa mga inasta niya kanina. Napapatanong ako sa mga kinikilos niya kanina. Wala naman ako sa lugar para husgahan siya pero hindi ko maiwasan ang pag-isipan siya ng kakaiba. "Pre, hindi ko naman dapat siya pagdududahan e pero kung umasta siya kanina, parang kakaiba e. Ni hindi niya masabi sa akin 'yong dahilan niya kung bakit ayaw niyang manirahan kami sa iisang bahay para sana sa seguridad ni Cleo. Pilit siyang umaayaw na para bang may iniiwasan siya. How can you convince me na wala lang 'yong mga kilos niya? How can you convince me na wala siyang alam?" Napailing-iling si Rhaiven sa mga sinabi ko, halatang hindi siya sang-ayon sa mga binitawan kong salita." I don't think may sense 'yang mga sinasabi mo, Ken. How can you even think about blaming Krissha's best friend, who's practically like a sibling to her, for a crime? Seriously, you're doubting Alona? The one who never hesitated to take on Krissha’s responsibilities left for Cleo? The same Alona who was willing to argue with you just to make sure Cleo wouldn’t end up with you? See? I don’t think may patutunguhan 'yang sinasabi mo." Prangka niya sa akin dahilan para matahimik ako. "Guys, chill.." usal ni Chris nang mapansin na umiinit na ang tensyon sa pagitan namin ni Rhaiven. "Everyone has their own secrets. Who knows? Maybe I’m right, maybe that Alona with her angelic face is actually hiding something." Pakikipagtalo ko pa rin. "Maybe?" Taas-kilay na tanong ni Rhaiven saka ito natawa ng mapakla. "Look, Ken, hindi ibang tao 'yang pinagbibintangan mo. She's your ex-girlfriend kaya paano mo nakakayang sabihin ang mga 'yan ngayon? Kung mayron mang nakakakilala ng lubos sa atin kay Alona, ikaw 'yon. Do you think magagawa niya 'yon? And kay Brix, do you think kaya rin niyang gawin 'yong sa sarili niyang kapatid? I know hindi maganda ang relasyon nilang dalawa noon pero hindi naman ata tama na pag-isipan mo ng ganon ang tao. Alalahanin mo, Ken, kapatid pa rin yon ni Benj and Alona is not just a stranger to commit ang crime for clout." "E kanino ko isisisi lahat ng to? Ha?" Napatayo na ako dala ng inis. Ginawa naman lahat ni Chris para mapakalma ako. Pumagitna na rin si Luis para mapigilan ako na gumawa ng pagsisihan ko. "Silang dalawa lang naman ang posibleng gumawa non dahil sa mga kinikilos nila. If you think ginagawa ko to para lang makuha ang kumpanya na naiwan ni Benj, Rha, hindi. Kahit baliktarin natin ang mundo, Benj is my best friend at kaya ko to ginagawa para mabigyan ko ng hustisya ang pagkamatay niya." "Really? Gusto mo ba talagang mabigyan siya ng hustiya or you’re just looking for someone to blame so you can cover up your bad intention?" Hindi na ako nagsalita pa dahil baka pagsisihan ko pa ang mga bibitawan kong salita. Pinakalma ko nalang ang sarili ko. Sa kabilang banda, naiintindihan ko naman si Rhaiven, gusto niya lang ipaalala sa akin na mali 'tong iniisip ko against kay Alona. Hindi tama ito. Kahit na alam kong tama ang mga sinabi ni Rhaiven sa akin, pilit ko pa rin iniisip ang sariling kagustuhan ko. Gusto ko pa rin manalo sa laban na ito kahit alam kong una pa lang ay mali na ako. Habambuhay kong pagsisihan ito kung hind ko itutuloy kaya bahala na. "Ninong!" Patakbong sumalubong si Cleo sa akin pagbukas ko pa lamang ng pintuan ng bahay ni Alona. Naabutan ko siyang naghahanda ng kanilang hapunan. Inaasahan ko na humupa na ang galit niya sa akin pero mukhang hindi dahil sinimangutan niya ako at sinamahan niya pa ng pag-irap. Hindi ko nalang siya pinansin at itinuon ang atensyon kay Cleo na sabik na sabik na makita ako lalo na nong ipakita ko sa kanya ang mga pasalubong ko. "Namiss mo ba si Ninong?" Nakakandong na si Cleo sa akin at yakap-yakap naman nya ako sa leeg. "Opo, Ninong. Akala ko po hindi ka na po pupunta dito. Sobra po akong nasad, Ninong." Sagot ng bata sa akin kaya natuwa naman ako at hinalikan ko siya sa noo nito. "Hindi na aalis si Ninong, okay? Sige na, magplay ka na muna dyan at tutulungan ko si Ninang mo sa paghahanda ng makakain natin, okay?" "Okay po." Maingat ko siyang ibinaba sa playmat na nasa sahig kung saan nakakalat ang napakadaming laruan ni Cleo. Bago ko siya tuluyayng iniwa ay hinaplos ko muna ang ulo niya pagkatapos ay nagtungo na ako sa kusina. Sinalubong kaagad ako ng masamang tingin ni Alona. Napalunok ako dahil alam kong mapapalaban ako sa sagutan ngayon. "Oh, ba't bumalik ka pa?" Iritableng usal niya habang naghihiwa ng gulay na kanyang isasahog sa iluluto niya. "You know why I'm here, automatic na dapat 'yon sa'yo." Usal ko saka kumuha ng malunggay para himayin. Tumingin siya ng nakataas-kilay sa akin. "Makulit ka talaga, e, 'no? Hindi mo na kailangang magtanong pa ng paulit-ulit dahil alam mo na agad kung ano ang sagot ko." Nilayasan niya ako at nagtungo siya sa may lababo para hugasan 'yong karne na hawak hawak niya. Sinundan ko naman siya. "Alona naman, huwag ka nang magmatigas, please? Kapakanan ni Cleo ang nakasalalay dito. Kung talagang mahal mo siya, papayag ka sa agreement natin para sa kaligtasan niya. Ayaw mo ba siyang maprotektahan, ha?" Napahinto siya sa kanyang ginagawa at hinarap ako. "Kenneth, ano bang mahirap intindihin sa sagot ko? Ayoko nga! Pwede ba, tantanan mo na 'ko, pagod na pagod na akong makipagsagutan sa'yo, alam mo ba 'yon. Tss." "Pagod na din ako sa kaartehan mo." Pinanood ko siyang naghihiwa na ngayon ng karne gamit ang chopping board at pangchinese na kutsilyo. Dahil sa sinabi ko at masama niya akong tinitigan na animoy gustong-gusto niya akong tadtarin ng pinong-pino. "Okay, I'm sorry. Sorry sa mga nasabi ko nitong nakaraan, wala akong ibang intesyon kundi ang kaligtasan ni Cleo kaya sana naman ay pumayag ka na." "Blag!" Gulat na gulat ako sa pagtaga niya ng karne sa may chopping board kaya napatahimik ako at napakagat ng labi nang lingunin niya ako. "Alona, anong binabalak mo?" Kinakabahang tanong ko sa kanyaa na halos mapako pa ako sa kinatatayuan ko. Sobrang talim na kasi ng tingin niya sa akin a dumagdag pa 'yong paghawak niya sa kutsilyo. Hinahanda ko lang ang sarili ko sa maaari niyang gawin sa akin. "Ayaw mo talagang tumigil, ha?" Paubos na pasensya niyang usal sa akin kaya napalunok ako. "Sige, papayag ako na tumira sa iisang bahay kasama ka kung masasagot mo 'tong kaisa-isa at simpleng tanong ko...." Panimula niya kaya inantay ko ang susunod niyang sasabihin. "May alam ka ba kay Alex?" Nagulat ako sa naging tanong niya kaya napamulat ako ng mata. Hindi ko inaasahan ang tanong niyang 'yon. Hindi kaagad ako nakasagot na animoy guilty ako. Napatitig lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung anong pagpapaliwanag ang gagawin ko na papaniwalaan niya. "Sagot!" "Alona, wala. Maniwala ka man o hindi, nagsasabi ako ng totoo. Hindi ko talaga kilala ang Alex na 'yon. Magugulat ba ako ng ganon nong nakaraan kung kilala ko siya? Ni anino niya hindi ko nakita, o maski boses non hindi ko narinig." "Imposibleng hindi mo siya kilala. Magkaibigan kayo ni Benj, palagi kayong magkasama kahit saan. Hindi ako maniniwala na wala kang nakilala na Alex dahil magkasosyo kayo sa negosyo ni Benj. Kaya please, Kenneth, magsabi ka na ng totoo." Pagpupumilit niya. "Alona, anong pagpapaliwanag ba ang gusto mo para paniwalaan mo ko? Wala nga, hindi ko nga nakilala ang Alex na 'yon. Oo, magkasosyo kami ni Benj sa negosyo pero wala akong maalala na Alex na ipinakilala niya sa akin o nakipartnership sa amin. Sa tingin mo ba, makikipagtalo ako ng ganito ngayon kundi hindi ako napapraning sa lagay ni Cleo lalo na't hindi natin kilala ang Alex na 'yon, ha? Sa tingin mo ba hindi agad ako magsasabi ng totoo kung kilala ko ang hayup na 'yon? Alam ko may ginawa ako sayo noon para mahirap paniwalaan lahat ng sinasabi ko pero nagsasabi ako ng totoo, Alona." Kahit nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin ay mayroon pa rin ang pagdududa sa mukha ni Alona. Ramdam ko pa rin at pansin ko pa rin sa mga kilos niyang hindi siya totally naniniwala sa akin. "Hindi! Hindi ako payag na tumira sa iisang bahay kasama ka. Hindi mo nasabi ang sagot na gusto kong marinig kaya tinigilan mo na 'ko." Nilayasan na niya ako at ipinagpatuloy ang kanyang naudlot na gagawin. Napabuntong-hininga ako ng malalim dahil sa pagmamatigas ni Alona. "Titigilan lang din kita kung nasabi mo rin sa akin ang sagot na gusto kong marinig." Napahinto siya sa kanyang ginagawa. "Sa magkaparehas ng tanong, may alam ka ba kay Alex?" Napalingon siya. Salubong ang mga kilay niyang tumitig sa akin. "Ano? Bakit mo binabalik sa akin ang tanong?" Nagtatakang tanong niya. "Para hindi lang ako ang olats dito. Baka puro ka bintang sa akin kahit ang totoo, ikaw naman talaga ang may totoong may alam." "Sa tingin mo ba papahirapan ko ang sarili ko na makipagtalo sayo ng ganito kung may alam ako? Kung may alam ako edi sana nagsalita na ako para matapos na 'tong problema natin at para bumalik na tayo sa dati nating mga buhay na wala ka nanggugulo sa akin. Hindi ako ganon katanga para pagtakpan ang sarili kong kasalanan para pahirapan ang sarili ko, Kenneth." "Then convince me na wala, Alona. Alam natin pareho na mahilig kayong gumala noon ni Krissha nang hindi nagpapaalam. Mahilig kayong magwalwal kaya nakakaipon kayo ng maraming kaibigan. Imposible naman na sa sandamakmak na naging kaibigan nyo o nakilala nyo ay wala doon si Alex. Sigurado ka bang wala kang natatandaan o natatakot ka lang aminin dahil nakakaramdam ka ng guilt?" "Bakit ko naman pagtatakpan ang pumatay sa kaibigan ko? Ano ako, tanga? Para ko ng kapatid si Krissha, alam mong gagawin ko lahat para sa kanya. Oo, inaamin ko, gumagala kami at nakakaipon ng maraming kaibigan pero maniwala ka man sa akin o hindi, kailanman hindi ko nakilala ang Alex na 'yon. Kahit pigain natin parehas ang utak ko, wala talaga!" Napamura na lang ako ng mahina dala ng inis dahil sa mainit na sagutan namin ni Alona. Ginawa naman namin lahat para hindi kami marinig ni Cleo na nasa sala na naglalaro. Pigil na pigil ako sa pagtataas ng boses dahil ayokong masaksihan ni Cleo ang pag-aaway namin ni Alona. Parehas kaming hinahabol ang aming mga hininga sa sobrang intense ng sagutan namin. Walang may gustong magpatalo, walang gustong maging suspek. "See, paano mo 'ko mapapapayag na tumira sa iisang bahay kung ngayon pa lang ganto na tayong dalawa na pinagbibintangan ang isa't isa, Kenneth?" Napatingin ako sa kanya at ramdam ko ang bawat salitang binitawan niya. "Hindi ko narinig ang sagot na gusto ko kaya hindi kita titigilan.." Usal ko sa makahulugang tinig. "Jusko naman, Kenneth, ano ba ang gusto mong marinig, ha?" "'Yong totoo, Alona.." Napailing-iling siya at napahilot sa kanyang sentido dala ng stress sa akin. " I don't think it's a good idea to stay here tonight; Cleo might see us arguing. I'll just come back tomorrow." Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at nilayasan na siya. Inaasahan ko na ang pagrereklamo ni Cleo dahil kakarating ko pa lang ay aalis na ako agad. Ginagawa ko lahat para payagan niya akong umalis. Buti na lang at idinahilan kong bibili ako ng laruan niya kaya nakaalis ako agad. Magulo ang isip ko sa naging usapan namin ni Alona. Gusto ko siyang paniwalaan pero may humihila sa akin na hindi. Hindi ko alam kung tama ba na ituloy ko tong pagdududa ko sa kanya. Basta ang gusto ko lang ngayon ay makasiguro na ligtas si Cleo laban sa Alex na yon. Dire-diretso ang lakad ko palabas ng ng bakuran ng bahay ni Alona kahit lutang na lutang ang isip ko. Nagawa ko pa rin na ilabas ang susi ng kotse ko at pipihitin ko sana ang pinto nang may marinig akong tinig sa likuran ko. "Kenneth, sige na, sasabihin ko na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD