Kenneth's POV
"Mauuna pa yata akong mamatay kaysa makuha 'yong gusto ko e. Tangina."
Minamasahe ko ang braso ko na sobrang kirot dahil sa pagbubuhat ng mga sinampay kanina at nang pagkabangga nito sa pader kaninang hinabol ko 'yong ipis. Dumagdag pa ang pang-iiwan sa akin ni Alona ng sandamakmak na labahan. Sobrang kirot ng braso ko, 'yong tipo pati salon pas ay aatras at tatakasan ako.
"Karma na ang tawag dyan." Usal ni Chris at iniabot sa akin ang energy drink na kinuha nya mula sa fridge. After kong maglaba ay talagang sumugod ako dito sa condo ni Rhaiven para magsumbong na parang bata. Akala nila ay kung ano na ang nangyari sa akin matapos ang chat ko sa kanilang habol ko na ang hininga ko. Akala ko nga ay wala na silang pakialam sa akin dahil madaling araw na. Nakalimutan ko yatang parang tapagbantay ng mundo 'tong mga kaibigan ko at kahit na anong oras ay gising pa sila.
Nagpatawag ako kay Rhaiven ng family doctor nila para icheck ako. Mukha yatang bumaba ang dugo ko, ramdam ko kasing bumagsak ang katawan ko dala ng pagod maghapon.
"Talagang mamamatay ka kung 'di mo pa titigilan yan. Binalaan ka na ni Rhaiven, ayaw mo pa kasing makinig." Tugon naman ni Luis na naroon sa pang-isahang sofa na nakadekwatro ang paa nito na nakatingin sa akin. Nakaalis na ang doctor na tumingin sa akin at inadvice na magpahinga dahil nabigla daw ang buong katawan ko.
"I really need to do this, hindi lang basta kompanya ang nakataya dito, Luwi." Sagot ko. Binuksan ko 'yong energy drink na bigay ni Chris sa akin at ininom ito para naman manumbalik ang lakas na nawala sa akin.
"Ano, pera? Tsk!" Napailing-iling si Luis. "Mukhang pera ka talaga kahit kailan."
Natawa sina Rhaiven at Chris sa sinabing iyon ni Luis samantalang ako ay napasimangot lang. "Tulungan niyo kaya ako nang may silbi kayo."
"Anong gusto mo, tulungan ka namin sa pag-aalaga kay Cleo? Ipaghugas din ba namin sya ng pwet kapag ganon na matatae? Ipagtimpla ng gatas kapag gutom? Makipaglaro sa pet nyang ipis, ganon ba?" Tugon ni Chris.
"Kung kaya nyo, bakit hindi.." Usal ko.
"Langya! Kaya nga ako kumuha ng yaya para sa anak ko para hindi ko gawin ang mga yan e, tapos hihingin mo na gawin ko 'yon? No way! MagFO nalang tayo kung ganon, Ken," palya ni Rhaiven at umiling-iling pa ng bahagya. Sinang-ayunan naman ito ng dalawa kaya napabuga ako ng hangin.
"Tsaka, akala ko ba kaya mong mag-alaga ng bata? E ba't ngayon para ka nang mamamatay dyan? Akala ko ba basic lang, ha?' Asar ni Chris sa akin kaya pinakyuhan ko siya gamit ang middle finger ko.
"Tsk! Hindi ko naman alam na ganon kabagsik si Cleo e." Napakamot ako sa aking ulo. Pinagtawanan naman ako ng mga loko. Psh!
"Awit! Isang araw ka pa lang na nag-alaga sa kanya, mukhang pasuko ka na." Tawang-tawa na sambit naman ni Luis. "Ano bang mahirap sa paghuhugas ng pwet at pagtitimpla ng gatas, ha?"
"Hoy! Hindi kaya basic maghugas ng pwet ng bata lalo na kung walang bidet." Panimula ko at halos mabilaukan si Rhaiven sa pag-inom dahil sa sinabi ko. Nagtawanan sila dahil sa sinabi kong walang bidet sa banyo ni Alona.
"Ano? Walang bidet? Dont tell me, hinugasan mo ang pwet nya gamit yang....yang kamay mo?" Tanog ni Luis.
"Malamang.." Sagot ko at mas lalong lumakas ang tawanan nila. "Tsaka don sa gatas, hindi naman niya inexplain ng maayos yong measurement e, malay ko ba kung anong unit 'yon."
"Tanga! Malamang scoop lang, may pangscoop naman ata don sa lagayan ng gatas ni Cleo e, dapat yon ginamit mo tas yong tubig may nakalagay naman na ml sa bottle nya e." Pamamaktol ni Chris, alam na alam nya yon dahil siya itong may karanasanan sa pag-aalaga ng bata.
"Malay ko ba kasi.." sagot ko. "Ano, bigyan nyo naman ako ng advice kung ano ang dapat kong gawin."
"Tigilan mo yang masamang balak mo at tantanan na lang sina Cleo at Alona, yon lang ang pinakasimpleng advice ko sayo." Usal ni Rhaiven at kinindatan pa ako.
"Hindi ako nakikipagbiruan, CEO, seryoso ako."
"Same as though." Sambit nya at sumeryoso ang mukha nya. "Konting awa at konsensya na lang para kay Cleo."
Natahimik na din ang dalawa, sumeryoso na din ang mga pagmumukha nila.
"Hindi ka ba naaawa sa bata? Nawalan na ng mga magulang, sinasamantala mo pa." Advice ni Luis.
Sumabat naman na sa usapan si Chris. "Kung talagang gusto mong tulungan si Alona, do it in a good way hindi 'yong may inaantay kang kapalit."
"Look, Ken, we do not tolerate your actions. Mukha tayong pera lahat pero huwag naman sa maduming paraan. May maitutulong ako, oo, pero hindi ko ibibigay kahit bestfriend kita. Mag-isip ka ng maayos, kompanya lang yon, pero yong magandang intensyon mo sa bata, hindi basta-basta."
Kahit na anong advice ng mga kaibigan ko ay hindi ako nakinig. Oo, itutuloy ko pa rin ang plano ko. Wala na silang nagawa kundi ang hayaan ako na lamunin ng karma kapag oras ko na to. Ako ang pinakamagaling magdvice sa aming apat pero hindi ko kayang iapply sa sarili ko. Pagkatapos ng sermon session ko sa mga kaibigan ko ay umuwi na ako ng condo ko. Hindi na muna ako uuwi sa bahay ni Alona dahil ramdam ko pa rin ang pagod. Pakiramdam ko pang isang buwan yong lakas na nabawi sa akin ngayong araw.
"I'm sorry, Benj." Pakikipag-usap ko sa litrato ni Benj sa selpon ko. Litrato namin iyon noong birthday ni Cleo. "Kung anak mo ang susi para makuha ko 'yong kompanya mo, aalagaan ko siya at poprotektahan. Pasensya na, sana maintindihan mo kung saan ako nanggagaling, pre."
Maaga akong pumunta ng bahay ni Alona dala-dala ang mga pagkain na binili ko sa malapit na restaurant. Nagpatake out na ako pambawi lang sa permisyo na ginawa ko kahapon. Naabutan ko si Alona na abalang naghahanap ng mailuluto pang-umagahan pero pinigilan ko siya at sinabi na may dala ako. Akala nya daw ay hindi na ako babalik dahil sa paglalayas ko kagabi pero hindi nya alam na may isang salita ako at hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko.
Akala ko pa naman ay tatantanan na ako ng kamalasan, hindi pa pala. Nagkataon pa talagang wala ang tubig kung kailan schedule ko sa banyo. Hindi pa naman ako nakaligo bago ako pumunta dito dahil baka maabutan ko ang rush hour sa daan.
"Tangina! Ang haba ng pila, baka abutin ako ng siyam-siyam dyan e."
Mas mahaba pa ata to kaysa sa pasensya ko, Piste! Nakatapis pa ako, wala pa naman akong suot na brief.
"Aba! Edi makipila ka ng maayos. Ginusto mo 'yan e."
"Pocha naman."
"Pumila ka na at nang makaigib ka na. Dami pang arte e."
No choice. Malalate na ako kung hindi pa ako kikilos kaya naman nagmamatrsa akong pumunta sa poso nina Aling Bebang. Pagdating doon ay hiyang-hiya ako dahil ang daming tao na nakapila doon. Lahat ng tingin nila sa akin lalo na at nakatapis lang ako. Mahigpit tuloy ang hawak ko sa tuwalya ko at baka makita nila ang hindi dapat na makita.
"Uhm, pwede makiigib?" Nahihiyang tanong ko. Pare-parehas lang kami na nashock sa isat isa.
"Pwede, pogi, pero bawal makisingit ah." Usal ng matandang babae. "Pumila ka na doon sa likod at maghintay."
Tangina! Wala manlang bang consideration sa akin? Hindi ba nila nakikita na nakatapis lang ako at may shampoo pa sa ulo plus humahapdi na ang mata ko dahil sa bula ng shampoo mula sa ulo ko? Argh!
"Ikaw 'yong boyfriend ni Alona, di ba?" Tanong nong dalaga na nasa unahan ko.
"Kaibigan lang.."
"Ganoon ba, gusto mo bang mauna na?" Tanong nya ulit sa akin.
Buti pa to may consideration, naawa na yata sa lagay ko.
"Pwede ba?" Tanong ko.
"Sana, pero malalate na din kasi ako sa klase ko e. Next time na lang papasingitin ah."
'Yon lang. Nawala ang ngiti sa labi ko at pasimpleng tumango na lang.
"Kami rin, pogi, nagmamadali e, next time ka na namin pasingitin ah." Usal naman nong isa na sinang-ayunan na rin ng lahat.
Ang ending, nag-antay ako ng ilan pang minuto bago tuluyang nakaigib. Natuyo na ata ang buong katawan ko at nawala ang bula ng shampoo sa ulo ko. After kong makaigib ay bumalik na ako sa bahay ni Alona habang iniinda ang kirot ng braso ko dahil may kabigatan itong balde na dala ko plus ang layo pa ng pinag-igiban ko.
"Oh, ayusin mo 'yang tuwalya mo at baka sumilip 'yong kikiam mo."
Kala mo di nabaliw sa kikiam ko noon tong babae na to. Bilis makalimot sa mga favorite part ng body ko noon. Piste!
"Tsk! Lakas mang-asar ah." Iritadong usal ko sa kanya. Hindi ko alam kung naaawa ba ito sa akin o nasisiyahan dahil sa karma ko today. Mukha kasing tuwang-tuwa pa sya at sinadyang hindi sabihin sa akin para mahirapan ako. Tsk!
Matapos kong mag-ayos ay umalis na ko at nagtungo sa meeting na dadaluhan ko. Pasalamat ko na lang at hindi ko naabutan ang rush hour sa daan at makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ko sa destinasyon ko. Sinalubong kaagad ako ng sekretarya ko at sinabing five minutes pa lang naman ako na late. Pumasok na kaagad ako sa meeting room at naabutan ko roon ang ilang tao na inaasahan kong dadalo ng meeting, isa na doon si Rhaiven. Kaagad nagtama ang tingin namin pero umiwas kaagad ako. Hindi naman ako nagtatampo sa kanya pero mas gusto ko na huwag muna siyang kausapin after ng nangyari kagabi. Naging formal and professional kaming umakto dahil nasa importante kaming meeting. At nang nasa kalagitnaan na kami ng meeting ay tao na hindi ko inaasahan na dumating.
"Before we continue our discussion, may we welcome the acting CEO of Sarmiento's Company, Brix Sarmiento." Pakilala ni Papa kay Brix at isa-isang nakipagshakehands ang mga kameeting ko sa kanya. Nagtama ang tingin namin ni Rhaiven bago siya nakipagkamay kay Brix. Ayokong maging bastos kaya nakipagkamay na rin ako sa kanya at ramdam ko ang tensyon sa tingin niya sa akin.
Anong ginagawa ng tao na 'to dito? Tsaka, acting CEO? Wow ah! Ganap na ganap naman yata siya. Tsk!
Dahil sa pagdating ni Brix ay hindi na ako halos makafocus sa pakikinig. Inutusan ko nalang ang sekretarya ko na irecord na lang ang pinagsasasabi ni Papa sa harap at papakinggan ko na lang mamaya. Sinusuri ko ang bawat ang kilos ni Brix, hindi pa sya ganon katagal sa business world pero mahahalata mo na sa kilos nyang magaling nya. After mamatay ni Benj ay doon na rin tumunog ang pangalan niya, kaliwat kanan na ang achievements nya na hindi ko masabi kung nakuha ba nya sa malinis na paraan o hindi.
Ni hindi ko naintindihan ang mga plano at dapat aksyunan sa kompanya dahil sa pangsusuri ko kay Brix. Mabuti na lang at hindi ako tinawag ni Papa upang tanungin kung may gusto ba akong idagdag sa plano o di kaya kung ano ang masasabi ko. Natapos ang meeting ng maayos at magkakasundo ang lahat. Nagpaalam na kami sa isa't isa after ng meeting. Lumabas na ang ilan sa mga kasosyo namin kasama na roon si Brix kaya mabilis akong lumabas. Nilayasan ko si Rhaiven na akmang lalapit sana sa akin at kakausapin ako.
"Acting CEO, huh?"
Napahinto si Brix sa paglalakad dahil sa sinabi ko paglabas namin ng meeting room. Pinauna niyang bumaba ang dala nyang sekretarya at saka inosenteng humarap sa akin.
"Oh, Kenneth, long time no see. Kumusta?" Usal nya pero hindi ko magawang matuwa.
"Huwag na tayong maglokohan, Brix." Seryosong tugon ko. "Tigilan mo na din 'yang kaplastikan mo."
Natawa sya ng mapakla. "Ganyan ka ba makitungo sa mga kasosyo mo kaya naubos na sila?"
Pinigilan ko ang sarili kahit sa loob-loob ko ay napipikon na ako. Ngiting-aso ang iginanti ko. "My kindness is only for those who deserve it, not for someone like you."
Nakita ko na nawala ang ngiti sa labi nya at napalitan ng nag-iigting na ngiti sa galit. "Ano bang gusto mong palabasin ngayon, huh?"
"Kung may karapatang mamuno sa kompanyang ‘to, ako ‘yon. Bestfriend ako ni Benj—ako ang nakakaalam ng lahat ng plano niya.”
Nag-ikot siya ng mata at ngumisi nang mapang-asar, saka sumagot. “Bestfriend ka lang, Kenneth. Ako ang kapatid niya—kahit stepbrother lang ako, dugo pa rin namin ang nag-uugnay. Mas may karapatan ako kaysa sa’yo.”
Napalunok ako, pero hindi ako umatras. Tumindig ako nang diretso, unti-unting lumapit sa kanya. Matalim ang tingin ko habang nagsasalita. “Dugo? Karapatan? Hindi sapat ‘yon. Nung buhay pa si Benj, sino ba ang palaging nandiyan sa tabi niya? Sino ang nagbabantay sa negosyo habang ikaw nasa ibang bansa, ini-enjoy ang yaman ng tatay nya?”
Napatingala si Brix, halatang hindi sanay na may humaharap sa kanya ng ganito. “At ano? Dahil lang lagi kang nakasunod sa kanya, automatic na ikaw ang mas deserving? Don’t forget, Kenneth, ako ang pamilya. Sa huli, ako ang mas may pangalan at legal na koneksyon dito.”
Nang marinig ko ‘yon, lalo lang nag-init ang dugo ko. Ang bawat salita niya parang kutsilyo na tumatama sa sugat. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya, halos magkadikit na kami. “Hindi pangalan ang magpapatakbo ng kompanyang ‘to—kundi puso. At alam ko, si Benj hindi ka kailanman pinagkatiwalaan ng buong-buo.”
Napailing ako, tumalim lalo ang boses ko.“Ni sa anak niya, si Celo—hindi ka niya kayang pagkatiwalaan. At kung hindi ka niya maaasahan sa pag-aalaga sa sariling dugo niya, anong mukha ang ihaharap mo para sabihing kaya mong alagaan ang kompanya?”
Saglit siyang natahimik, pero agad din siyang sumigaw, halos mabasag ang katahimikan ng hallway.
“Tigilan mo ‘yang drama mo! Hindi mo ako pwedeng tanggalin sa equation. Gusto mo ng katotohanan? Naiinggit ka lang dahil kahit gaano ka ka-close kay Benj, hindi mo kailanman magiging pamilya!”
Ramdam kong kumakabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil sa galit o dahil sa sakit ng sinabi niya. Pero hindi ako papayag na siya ang may huling salita. Humakbang pa ako palapit, mariin ang bawat salita ko.
“At least ako, hindi ko siya kailanman tinalikuran. Hindi ako umalis nung kailangan niya. Kaya kung may mas karapat-dapat na magpatuloy ng mga pangarap niya, ako ‘yon—hindi ikaw na dumating lang nung wala na siya.”
Nagtitigan kami, parehong galit, parehong hindi handang magpatalo. Sa hallway na iyon, ramdam ko na nagsisimula pa lang ang totoong digmaan. Hindi lang ito tungkol sa kumpanya—kundi para kay Benj, at sa lahat ng naiwan niyang pangarap. At habang nakatitig ako sa malamig na mga mata ni Brix, hindi ko maiwasang magtanong sa sarili ko: May bahid ba ng pagdadalamhati sa kanya sa pagkawala ni Benj… o mas natuwa siya dahil tuluyan na niyang makukuha ang yaman at lahat ng iniwan ng kapatid niya?
Hindi ko napigilan, lumabas mismo sa bibig ko. "Sabihin mo nga, Brix… kahit isang beses ba, nagdalamhati ka sa pagkawala ni Benj? O mas natuwa ka dahil wala na siyang hadlang para makuha mo lahat ng iniwan niya?”
Nagliwanag ang mga mata niya, pero hindi sa lungkot—kundi sa galit na parang tinamaan ng diretsong suntok ang pride niya. "Paano mo nasasabi ‘yan? Wala kang karapatang husgahan kung paano ako nagluksa!”
Humigpit ang panga ko. “Magluksa? Eh ni isang patak ng luha, walang nakita mula sa’yo. Hindi ko naramdaman kahit bahagya na nawala sa’yo ang isang kapatid.”
Humakbang siya palapit, halos dumikit ang dibdib namin. Ramdam ko ang init ng hininga niya, nanginginig sa galit. “Huwag mo kong turuan kung paano magmahal ng pamilya. Hindi mo alam kung gaano kahirap para sa’kin tanggapin na wala na si Benj. At kung tingin mo natuwa ako? Mas mabigat sa’kin ‘to dahil kahit kailan, hindi niya ako tinanggap bilang tunay na kapatid.”
Napatingin ako, saglit na natigilan. Una kong nakita ang yabang, pero ngayon may bahid ng pait sa boses niya—kahit pilit niyang itinatago.
Pero bago pa ako makasagot, tumalikod siya, mabilis na naglakad palayo. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng hallway, bitbit ang tanong na hindi pa rin malinaw ang kasagutan: Nagdadalamhati ba talaga siya para kay Benj… o sinasakyan lang niya para maangkin ang lahat ng iniwan nito?
"Tangina!" Paglalabas ko ng sama ng loob ko saka hinilot ang sentido ko dahil nakaramdam ako bigla ng stress.
"Sir.." tawag sa akin ng sekretarya ko. "May tawag po kayo mula kay Miss Alona.." Iniabot nito sa akin ang selpon ko.
"Ano at sumasabay pa ang babaeng yan?" Galit na usal ko at padabog na kinuha ang selpon. "Oh bakit?"
"Kanina pa kita tinatawagan, bat ba di mo sinasagot? Nakita mo na ba 'yong text ni Attorney, ha?"
"Hindi, bakit ano ba yon?"
"Nakita mo na ba? Icheck mo dali.."
"Teka lang.. Tsk!" Binuksan ko ang selpon ko at pinindot ang text mula kay Attorney. Ganoon na lang ang gulat ko sa nilalaman ng text. "Totoo ba 'to? Nasan ba kayo ni Cleo?"
"Nandito na kami sa opisina ni Attorney. Kenneth, kinakabahan ako.."
"Hintayin nyo ko dyan, parating na ko.."