FINALE Nakangiti ako habang pinagmamasdan si Alice. Nangangatal pa ang labi ko dahil sa nagbabadyang emosyon sa akin. Simpleng paghingi lang niya ng sorry ay malaking bagay na sa akin. Sa totoo lang ay hindi ko na iyon inaasahan sa kaniya. Hindi na ako nag-expect sa isang Aliyah Denice Ventura. Lalo dahil na rin sa nalaman niya ang katotohanang itinago ko ang kaniyang ama sa loob ng tatlong taon. Akala ko ay mas magagalit siya ngayon. Akala ko ay sasaktan niya ako, itutulak at pagsasalitaan ng masama. Ngunit sadyang nakakagulat ang taas-puso niyang paghingi ng kapatawaran ngayon. Mas lalo akong nabigla nang umiyak siya sa harapan ko. Naging sunud-sunod ang pagtulo ng kaniyang luha. Hinawakan ko ang nanginginig niyang balikat. Sa pag-iyak niya ay dumoble ang bigat sa puso ko. "So—sorry

