Chapter 45

1181 Words

CHAPTER 45 "You're feeling okay, right?" ani Haris habang pareho naming tinatanaw ang dalawa sa loob. "Hindi ko na kailangang mag-alala sa 'yo, kasi may tao nang mag-aalaga sa 'yo... magpoprotekta at magmamahal. Hindi mo na ako kailangan dahil nariyan na si Sebastian." Napangiti ako sa narining, pero mayamaya lang nang mangunot ang noo ko. Dahan-dahan nang lingunin ko si Haris. Naabutan ko ang pagbaling niya sa akin, may multo ng ngiti sa kaniyang labi. Saglit kong inaral ang mukha nito, ganoon din ang kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung ano ang ipinapahiwatig niya. Kung tama ba na nariyan si Daddy Seb para sa akin bilang ama ko, o dahil sa ibang rason? "Alam mo?" takang pagtatanong ko rito, alanganin pa at hindi dineretso— gusto ko na makita kung saan patungo ang pag-uusap naming ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD