CHAPTER 44 Napaiyak si Mama sa pinagsamang gulat, lungkot at galit. Naging pinal ang boses ko, kasabay nang masamang tingin ko na ipinupukol ko sa kaniya. Kalaunan nang tumalikod siya at patakbong umalis. Tinitigan ko lang ang likod ni Mama habang pigil-pigil ko ang sariling paghinga. Nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko ay naging sunud-sunod ang marahas na pagbuntong hininga ko. Doon na rin malayang tumulo ang walang paawat kong luha. Napahikbi ako, sa panghihina ay napaluhod ako. Kaagad akong dinaluhan ni Daddy Seb at hinawakan ang magkabilaan kong balikat. Mali ba ako? Mali ba iyong naging desisyon ko? Na mas pinili ko pa si Daddy Seb kaysa kay Mama? Kaysa sa sarili kong ina, sa kadugo at totoong pamilya ko? Masama na ba ako? Masama ba ako na mas inisip ko iyong kapakanan at

