--Camille-- "Mr. Rey!" Mabilis akong tumayo sa sofa para pigilan si Mr. Rey, muntik na akong mapaluhod dahil may hiwa din pala ako sa binti. Nakirot ito. Hikahos kong nilapitan si Mr. Rey at hinawakan ang kamay nyang naka hawak sa leeg ni Miss Catherine. "Mr. Rey, bitawan nyo sya!" Pagmamakaawa ko sa kanya sabay hila ng braso nya pakalas dito. "She shouldn't have done that." Mariing sabi ni Mr. Rey habang nakatingin ang nag-iinit nyang mga mata kay Miss Catherine. My gosh! Namumula at lumalabas na ang ugat ni Miss Catherine sa gilid ng noo nito--Nahihirapan na itong huminga! "Mr. Rey!" Taranta kong sigaw sa kanya. Pinagtutulak ko ang kanyang dib-dib palayo kay Miss Catherine ngunit hindi manlang sya gumalaw. Nakatingin lang sya kay Miss Catherine habang nakaigting ang panga nito. "Mr. Re

