bc

Innocent in Chaos (Completed)

book_age18+
873
FOLLOW
17.0K
READ
kidnap
forced
manipulative
badboy
goodgirl
bxg
mystery
scary
cruel
tortured
like
intro-logo
Blurb

Si Camille Poblador ay isang simpleng dalagang maytaglay na kabutihan sa kanyang puso wala sa kanyang isipan ang masangkot sa isang gulo at maging isang bilanggo sa kamay ng lalaking hindi nya kilala.

Noong nakaraang mga araw lang ay pauwi na sana ang dalaga patungo sa kanyang apartment nang dukutin at masangkot sya sa patayang nangyayari sa pamilya Huston. Ang kilalang pamilya sa buong cebu.

Ngayon ay nasa kamay sya ng kriminal na umuubos sa pamilyang ito at wala itong balak pakawalan sya. Magagawa kaya nyang pakisamahan ito lalo na at isa itong kriminal at magagawa din kaya nyang isantabi ang namumuong pakiramdam sa kanyang puso sa tuwing nakatitig ito nang malalim sa kanyang mga mata na tila inaakin ang kanyang buong pagkatao.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Abduction
--Camille-- News: "Marami nang nagtataka sa kung ano na nga ba ang nangyayari sa family Huston. Wala pang nakakaalam kung nasaan na nga ba talaga ang asawa ni Tonny Rick Huston nasi Liziel Huston at ngayon naman ay kasalukuyang nasa OR (Operation Room) si Anderson Huston dahil nga sinaksak sya nang kanyang kapatid dahil sa matindi nilang alitan. Sarili nyang kapatid ito mga kababayan. Sabi nang mga Doctor hindi gaano kalakihan at isang saksak lamang ito kaya wala dapat ipag-alala, ngunit sinusubukan parin naming alamin kung bakit ito nagawa ni Rick Huston sa sarili nyang kapatid. Sila ay hindi pa nagbigay nang kahit anong pahayag--" "Ah, Roxan? Hanggang ngayon ba wala paring silang nalalaman kung nasaan na ba talaga si Liziel Huston?" "Wala pa din kaming nakuhang pahayag mula sa autoridad at tangi ang mga pulis lang ang nakakaalam nang mga inpormasyon. Ngunit may mga pinaghihinalaan na sila at karamihan dito ay ang mga kalaban sa negosyo ni Tonny Rick Huston na gustong sirain ang pangalan nila at ang pamilya nya, sabi naman nila ay magbibigay daw sila nang pahayag kung sakaling buo na daw ang kanilang pag-iimbistiga." "Salamat Roxan, mga kababayan matindi na nga ang nangyayari sa pamilyang ito. Ilang linggo palang ang nakakalipas nang maging CPPO(Cebu Provincial Police Office) si Senior Supt. Rider Amig Huston kapatid ni Tonny Rick Huston ay may hindi na agad magandang nangyari sa pamilya ng kanyang kapatid." "Tama ka diyan Larry at kung na papansin natin ngayon palang sa history ng pamilya Huston na nagkaroon sila nang problema na tinututukan at inaabangan nang sambayanan." "Baka ito ay isa sa mga pagsubok lamang sa kanila at malalampasan din nila ito, ano Larry?" Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa Tv at sa dalawang news caster na nag-uusap. May hawak akong glue at nakanganga ako. "Grabe naman iyan! Nasa hospital si Anderson?!" Natauhan ako at gulat akong napatingin kay Layla, ang aking classmate at best friend. Nagawa kami nang project dito sa bahay nya kasama si Tamoi, best friend din namin. Tinignan nila akong dalawa. "Dalawin mo." Sabi ni Tamoi. "Hindi mo ba nakikita nagkakagulo sila ang daming pulis doon, saan sya lulusot?" Sarkastikang sabi ni Layla kay Tamoi. Nag-aalala akong tumawa. Nag-aalala ako para kay Anderson kahit ganoon pa ang ugali nya. Inayos ni Tamoi ang salamin nya sa kanyang mata at galit syang nagsalita. "Magiging asawa nya iyon in the future, dapat lang dalawin nya." "Future husband ka diyan, ang pangit kaya nang ugali nang lalaking iyon. Hindi pa sila binabakuran na si Camille. Kung magselos wagas bakit sila ba? sila ba? Sarap upakan sa mukha, yabang pa, dapat lang iyan sa kanya." Nanlaki ang aking mata sa sinabi ni Layla--ang sama nya. Binato ko sa kanila ang glue kong hawak. "Tumigil na nga kayo, ikaw Layla nakakatakot ka magsalita, maggagabi na tapusin na natin ito at gusto ko nang umuwi." Tamad silang napatingin sa akin. Labas ngipin akong tumawa dahil sa reaksyon nang mukha nila. "Kain nalang tayo, bukas na natin gawin iyan?" Nakangusong pagmamakaawa ni Layla. Naalis ang ngiti ko at masama ko silang tinignan. "Bukas na kaya iyong deadline." Direkta kong sabi sa kanila. Tinignan ko ang gawa naming elements na carbon sa malaking illustration board, dinikit namin ang lapis dito at nilagyan namin nang design. Ito ang ginagawa namin at patapos na ito--tapos tinatamad pa sila. Nagulat ako nang hawakan ni Tamoi ang kanan kong braso at hinawakan naman ni Layla ang kaliwa kung braso. Tinignan ko sila at nagmamakaawa ang kanilang mukha. "Pagod na ako eh, kanina patayo gumagawa." Sabi ni Tamoi. "Kakain lang tayo muna please?" Pagmamakaawa ni Layla. Hindi ako papadala sa kanila, no way! "Sige na." "Please?" "Saglit lang naman iyon." Pamimilit nila. Hindi ako magpapadala. Kinagat ko ang aking mga labi at pinigilan ko ang aking paghinga. Alam ng mga kolokoy na ito ang kahinaan ko. Pagmamakaawa at paglalambing. "Masarap iyong pagkain." "Nananakit na kasi iyong kamay ko." "Hindi kaba naaawa sa amin?" "Sige na ka--" "Oo na!" Sigaw ko sa kanila dahil sa sunod-sunod nilang pamimilit. Dismayado ako sa aking sarili. Tumawa ang dalawa at pinisil ko ang kanilang mga pisngi sa gigil. "Para kayong bata." Panggigigil kong sabi sa dalawa. Tinapik ni Layla ang aking kamay. "Tumingin ka kaya sa salamin kung sinong bata sa ating tatlo. Masmukha kang bata sa kaysa sa amin hahaha." Natatawa nyang sabi, napanguso ako. Inalis ni Tamoi ang kamay ko sa pisngi nya. "Guess what?" Sabi ni Tamoi, nagtinginan silang dalawa na mayngiti sa mukha. "Movie time!" Galak silang tumayo. Nanlulumo ko silang tinignan. "Sabi nyo kakain lang?" Nanlulumo kung sabi. As usual, hindi nila ako nadinig. Hindi nga ako nagkamali dahil pagkatapos naming kumain ay nanood sila, hindi ko kinaya dahil horror movie. Mula sa simula hanggang sa huli ay nakatakip ang kamay ko sa aking dalawang taynga at minsan sa aking mga mata. Naaawa ako sa mga biktima noong mamamatay tao, kaya napapaiyak ako--hindi ako normal tama? Sabi nila para daw akong babasagin na kaylangan ingatan para hindi mabasag, masyado daw akong mabait, malambot at inosente. Unang tingin pangalang daw sa akin mukha daw akong inosente. Huwag nyo akong sisihin eh sa ganito talaga ako. Naubos ang oras namin na hindi namin nagawa ang project kaya, ipagbubukas nalang namin at gabi na dahil malapit nang mag 10 Pm. Kaylangan nang umuwi dahil delikado sa daanan. Nagpaalam kami kay Layla at sabay na kaming umuwi ni Tamoi halos malapit lang ang bahay nya sa apartment ko, pero mauuna syang umuwi kaysa sa akin. Pagdating namin sa bahay nya ay nagpaalam kami sa isa't isa at naiwan ako na mag-isa sa madilim na kalye. Sabi nila sa ganitong mga oras dapat nag-iingat. Lumilingon ako sa aking likuran wala naman akong nararamdaman namay sumusunod sa akin. Kaya siguro ako kinakabahan dahil doon sa movie na pinanood namin kung saan lumilitaw ang kriminal sa gitna ng kadiliman. Lumakas ang hangin. "My gosh, my gosh." Niyakap ko ang aking sarili. Tumaas ang balahibo ko sa hangin. Nakakatakot dito lalo na at wala pang tao, napangiti ako sa aking sarili. Halos lahat naman kinatatakutan ko. Mana siguro ako kay mama? O papa? Hindi ko alam dahil bata palang ako namatay na sila sa isang aksidente. Bus accident. Kaya pinag-aaral ako ni tito. Medyo maginhawa ang buhay ni tito kaya umupa sya ng apartment para sa akin, noong una nagdadalawang isip pa sya dahil wala daw akong makakasama pero sabi ko kaya ko ang aking sarili--kahit hindi. Ayaw ko namang lagi akong nakabuntot sa kanya dahil lagi naman syang busy. Ayaw ko nang magbigay ng problema, problema na nga ako. Oo nga pala, ako pala si Camille Poblador, 17 years old, 5'3 ang tangkad, grade 11, GAS student (General Academic Strand) Maigsi ang aking buhok hangang sa aking leeg lang, mukha daw akong cute na barbie kaya marami akong manliligaw. Pero aral muna. Naka uniform ako ngayon at medyo may kaigsian ang palda ng uniform namin kaya nilalamig ang binti ko dahil sa hangin. Manliligaw ko din si Anderson ang anak noong pinakamayaman dito sa Cebu, kilalang-kilala ang pamilya nya. Guwapo sya pero nakakatakot ang ugali nya. Tingin nya pagmamay-ari nya ako at minsan sinasaktan nya ako nang hindi nya alam. Tulad nang mahigpit nyang paghawak sa braso ko kaya minsan mayroon akong pasa sa braso at minsan na nya akong sinampal noong binalik ko ang regalo nyang diamond bracelet--hindi ko kayang tanggapin dahil ang mahal! Nagagalit sya sa tuwing binabalik ko ang mga bigay nya. Muli akong tumingin sa paligid. Safe naman ang paligid. Nakarating ako sa pinto nang aking apartment nang ligtas at nakahinga ako nang maluwag. Kinuha ko ang aking susi sa aking bag. "Asan naba iyon?" Nakapa ko ito sa ilalim nang aking bag at agad ko itong nakuha. "Ayon--ahmp!" Nanlaki ang mata ko noong maytumakip sa aking bibig. Nahulog ko ang aking bag at ang susi, pinipilit kong humarap. "Ahmp! Mmmm!" Pagpupumiglas ko. Napaiyak ako agad sa takot. Tumatalbog ang aking puso sa takot. Umatras ako at nabunggo ko sa aking likuran ang katawan nang isang lalaki, pinipilit kong kalmutin ang kanyang kamay sa aking bibig. "f**k!" galit nitong sabi--nakalmot ko sya nang saglit, hindi pamilyar ang boses nya. "Mmmm!" Nagpupumiglas kong ungol. Natali nya nang maayos ang busal sa aking bibig at tinakpan nya ako nang isang itim na bag sa ulo--wala akong makita! O my gosh, o my gosh. Napaupo ako at tinali nya ang aking kamay sa aking likod. Ang lakas nya! Binuhat nya ako sa kanyang balikat at naglakad ito. Pinipilit kong kumawala, pinipilit kong sumigaw pero hindi umuubra--mamamatay na ako! Naramdaman kong nilapag nya ako at pinahiga sa...hindi ko alam kong ano ito, dahil wala akong makita tapos biglang may narinig akong sumara. Nahihirapan akong huminga. Tumutulo ang luha at pawis ko sa takot--ano nang gagawin ko? May naaamoy akong gasolina. Hindi naman nya ako siguro susunugin nang buhay, 'wag naman sana. Biglang may umandar at napagtanto kong nasa sasakyan ako. Kinalma ko ang aking sarili hindi na ako makagalaw dahil nanlalambot ako--nasa likod siguro ako ng sasakyan. Kaylangan kong makatakas. kinakalas ko ang pagkakatali ng aking kamay sa aking likuran, ilang minuto ko ito ginawa maslalo lang sumakit ang aking palapulsuan. Nag-isip nalang ako nang paraan para makatakas pero hindi ko alam kung makakatakas ako dahil nanlalambot ako sa takot. Ano ba brain mag-isip ka! Nanlaki ang aking mga mata nang huminto ang sasakyan, nagsimula na naman akong kabahan nang todo, nag-aabang ako sa kung anong susunod na mangyayari. Maya-maya ay maynarinig akong bumukas at napabalikwas ako nang upo nang may tumanggal sa itim na bag sa aking ulo. Nakita kong nasa trunk nga ako, himihikbi at takot akong napatingala sa aking harapan, dalawang naglalakihang lalaki ang nakita ko. "Regalo ko kay Anderson, para mabawasan ang galit nya. What do you think?" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Rick ang kapatid ni Anderson na sumaksak sa kanya--sabi noong balita kanina. Kilala ko sya dahil kilala sya nang lahat, halos lahat ng family Huston kilala nang lahat. Takot akong napatingin sa isa pang lalaking kausap nito. Nakasuot ito ng Dark navy blue suit na sakto sa may kalakihan nyang katawan, nakasuot din sya ng itim na gwantes sa magkabilaan nyang kamay at walang emosyon na makikita sa kanyang mukha. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking perpekto ang hubog nang mukha, ngunit ang mga mata nya ay nakakatakot kung tumingin parang hinahalungkat nya ang lahat nang aking impormasyon gamit ang kanyang mga mata-maslalo akong nanghihina sa malalim nyang titig. ********** To be continued... Warning: Not edited, violence, and inappropriate words.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
293.8K
bc

Driver Sweet Lover - SPG

read
233.9K
bc

A Writer's Block (TAGALOG)

read
50.8K
bc

My Master and I

read
136.3K
bc

Loving The Heartbroken Man (Juan Miguel)

read
136.2K
bc

My Secret Marriage

read
129.1K
bc

Want You Back (Filipino)

read
228.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook