--Camille--
Pinutol nang lalaking naka-suit ang tingin nya sa akin at binalin nya ito sa kapatid ni Anderson. Humihikbi akong napalunok. Kinakabahan ako sa titig nang lalaki. Parang kakainin nya ako ng buhay. Binaba ko ang aking paningin at bumaksak ito sa mga kamay ni Rick at nakita ko na may kalmut ito. Sya ang kumidnap sa akin! Bakit? Naalala ko ang sinabi nya kanina ireregalo nya ako kay Anderson--o my gosh, o my gosh.
"Sino pa ang nakakaalam nito?" Tanong noong lalaking naka-suit, malalim ang boses nya kasing tapang ng kanyang aura. Kaylangan kong makatakas! Nasalikuran ko ang aking mga kamay at nakatali ito, pinipilit kong alisin ang tali sa kamay ko. Naliligo na ako sa pawis at ang dumi na ng kulay puti kong uniform, ayaw pang tumigil ang aking luha sa pagtulo. Kaylangan kong kumalma kung hindi baka mamatay ako sa atake sa puso.
"Si Daniel in fact sya ang nag-suggest nito, I know na hindi kayo magkasundong dalawa pero para sa kapatid ko naman 'to...I don't have a choice. Hindi ko sinabing hihingi ako sa'yo nang tulong dahil mumurahin lang ako noon at susumbatan...bugog ang utak noon. Ang importante, I need your help the most, alam mo ang ganitong gawain." Sabi ni Rick, tinignan nila akong dalawa, takot akong napaurong patalikod. Tumama ang ulo ko sa bakal sa aking likuran. "Ahmp!" Ungol ko dahil subrang sakit nang aking pagkakaumpog. Tinaas ko ang aking dalawang tuhod at nakita nila ang aking legs dahil sa maigsi kong palda.
Nag-iba ang tingin sa akin ni Rick. Masmatanda sya sa akin ngunit hindi ko sya tatawaging kuya dahil kinidnap nya ako! Maslalo akong kinabahan nang malaswa nya akong tignan, napakagat labi ito. "Maganda nga sya sa personal, now I know kung bakit tanga sa'yo ang kapatid ko." Iba ang tono nang pananalita nya. Nanlaki ang aking mga mata nang yumuko sya at himasin nya ang isa kong hita paibaba sa aking binti. Nagmamakaawa akong umiling. "Makinis karin, wala pa akong nakakamang babae tulad mo natural...exciting." "Mmmm!" Umiiyak kong ungol habang umiiling sa kanya--ang bastos nya. Nagmamakaawa kong tinignan ang lalaking naka-suit at inaayos nito ang gwantes nya sa kanyang kamay habang direktang nakatingin kay Rick.
"Bakit ka lumabas nang walang kasama Rick, alam mong may threat ang pamilya mo and your mom is still missing." Tumigil sa paghimas si Rick sa aking hita pero nasa hita ko parin ang kanyang kamay--nandidiri ako sa kanya! Nilingon nya ang lalaking naka-suit. "Come on? Ala namang magsama ako ng pulis para mangidnap ng estudyante?" Binalik nya ang tingin nya sa akin at bumalik ang pagnanasa nya sa kanyang mga mata. Pinipilit kong iiwas ang mga hita ko sa nakakadiri nyang kamay. "Hindi mo dapat ginawa iyan." Seryosong sabi noong lalaking naka-suit, irita syang nilingon ni Rick.
"What?" Binaba nang lalaking naka-suit nang kaunti ang kanyang necktie. "Hindi ka dapat umalis na walang kasama." "Whay? It's fine--ack!" Nagulat ako nang hilain nang lalaki si Rick sa kwelyo nito sa kanyang likuran at sinara nya ang pinto ng trunk. Wala akong makita. Nakarinig ako nang mga kalabog at sigaw. Nag-aaway yata sila? "f**k! Don't! Don't! Hel-mmm!" Tumaas ang balahibo ko nang klaro kong narinig ang paghingi nang tulong ni Rick--anong nangyayari?!
Sinipa ko ng dalawang beses ang pinto ng trunk para bumukas, pero ayaw nitong bumukas. Saglit na tumahimik at nawala ang ingay. Dahan-dahan akong huminga at pinakiramdaman ko ang paligid. Halos mapalundag ako sa aking pagkakahiga nang bumukas ang pinto ng trunk at nakita ko ang lalaking naka-suit. "Ahmp!" Nagulat ako nang buhatin nya ako na parang prinsesa.
Pinasok nya ako sa isang sports car, nasa front seat ako. Sinara nya ang pinto. Takot kong tinignan ang loob ng sasakyan--saan nya ako dadalhin? Binuksan nya ang pinto sa back seat at nanlulumo kong pinanuod kung paano nya pinasok ang walang buhay na katawan ni Rick. Patay na ito at may gilit sa leeg at mga saksak sa tagiliran nya, umaagos ang dugo nya sa loob ng sasakyan.
Nanigas ang katawan kong kanina ay nanginginig--papatayin din nya ako! Mamamatay na ako! Wala na akong magawa kundi umiyak. Pumasok ang lalaking naka-suit sa aking tabi kong saan naroon ang manibela. Papatayin nya ako! Paulit-ulit kong sinabi sa aking utak. Takot akong napaatras at tumama ang likod ko sa pinto ng sasakyan. May kinuha syang isang maliit na towel at isang bote, hindi ko alam kung ano ito pero mukha itong gamot. Nilagay nya ang laman ng bote sa puting towel na hawak nya. Maya-maya ay walang emosyon nya akong nilingon. Takot akong umiling habang umiiyak at hinihintay ang susunod nyang gagawin. Ayaw ko pang mamatay.
Saglit nya akong tinitigan at pagkatapos ay mabilis nyang binaba ang busal ko sa aking bigbig. "Tulo-amp!" Bago pa ako makasigaw, tinakpan nya ang aking bibig at ilong nang hawak nyang towel--hindi ako makahinga! Nasa likuran ng leeg ko ang isa nyang kamay, at kumakapos na ang aking pahinga kaya mabilis akong huminga kahit nakatakip pa sa bibig at ilong ko ang towel.
Mayroon akong nalanghap na kakaibang amoy at naramdaman kong unti-unti akong nanghihina. Nagpupumiglas ako pero nawalan na ako nang lakas. Unti-unting pumikit ang aking mga mata--anong nangyayari sa akin? Ang mga mata nyang malalim na nakatingin sa akin ang huli kong nakita at ang luha kong tumutulo sa gilid nang aking pisngi ang huli kong naramdaman bago ako nawalan nang malay.
"Ahmm..." Napaungol ako sa sakit nang aking ulo, dinilat ko ang aking mga mata at isang hindi pamilyar na kisame ang aking nakita--nasaan ako? Wala ako sa bahay? Pinikit ko ang aking mga mata muli ko itong dinilat at nag-iisip ako. Mabilis akong bumangon at tumayo nang maalala kong nakidnap ako. Bumigay ang tuhod ko at dumiretso ang mga ito sa maduming sahig--hanggang ngayon ba naman nanlalambot parin ang tuhod ko! Pinagsusuntok ko ito. "Kaylangan mong kumilos, sige na." Pagmamakaawa ko dito. Naririnig ko ang mga patak nang tubig.
Napansin ko ang kadena sa aking isang paa. "A-ano ito?!" Kabado ko itong hinila pero ayaw maalis, tumingin ako sa paligid. Nasa isang kulungan ako na may rehas, may lumang kama at isang Cr. Para akong nasa City jail. Kaylangan kong mapakalma ang aking sarili baka atakihin ako sa puso dahil sa takot. Hindi nakakatulong ang kahinaan ko sa mga oras na ito.
"Tulong!" Nage-echo ang boses ko. Nasa tunnel yata ako. Mabaho ang paligid at amoy...imburnal? "Tulong!" muli kong sigaw. "Shut your mouth, no one could hear you maliban sa kanya!" Napatingin ako sa pader nang makarinig ako nang isang galit na tinig ng babae. Umupo ako sa gilid ng kama malapit sa pader. "Sino ka?" Nagtataka kong tanong, hindi ito makapaniwalang tumawa. "Liziel Huston, hindi mo ako kilala?" Irita ang tono nito--paano ko naman sya makikilala? Napasinghap ako at napatakip ako nang bibig. Sya ang ina ni Anderson at Rick, ilang linggo na syang nawawala. Kung ganoon iyong lalaking iyon, sya iyong hinahanap nang mga pulis na kriminal. "Why are you here? Anong kinalaman mo sa hayop na iyon?" Ang tinutukoy nya ay iyong lalaking naka-suit. Ni hindi ko nga kilala ang lalaking iyon.
"Hi-hindi ko alam, basta kinidnap nalang ako nang anak nyo para daw po kay Anderson tapos na punta na ako dito." "What?! Sin-sinong anak? Si Rick?!" Napalaki ang aking mga mata--paano ko sasabihin sa kanya na patay na ang anak nya. "Si Rick?! Asan na sya? Oh God sana walang nangyari sa kanya kung hindi papatayin ko ang hayop na iyon! that son of a b***h!" Galit na galit ang boses nya nang sabihin nya ito. "Uhm, si Rick po--" Napatigil ako nang maynarinig akong yapak nang sapatos na nage-echo palapit sa amin. "He's here" Biglang na takot ang tono nang pananalita ni Mrs. Huston.
Tumingin ako sa labas ng selda, pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko sa takot. Napatayo ako at hindi ko alam ang gagawin ko, palakas nang palakas ang tunog nang kanyang sapatos at maynarinig pa akong ibang tunog na parang mayhila-hila sya. Tumingin ako sa paligid mahaba ang kadena sa paa ko at umaabot ito kahit saan ako magpunta sa loob ng selda. Napalunok ako--gusto kong magtago pero para saan? Nakakulong kaya ako at nakakadena. Bago ako nakapagdesisyon sa kung ano ang gagawin ko ay nakita ko na sya na dumadaan sa aking selda. Nakasuot ito ng formal white shirt, black pants, black lace up shoes, at may itim na gwantes sa kanyang mga kamay.
Nanigas ako at nanlulumong pinanuod sya, hila-hila nya ang katawan ni Rick, hila nya ito sa paa gamit ang kanan nyang kamay na may gwantes. Namumutla na ito at nanunuyo na ang kanyang dugo sa leeg at katawan. Tumulo ang mga luha ko sa awa sa kanya. Ginawa nyang hayop si Rick na parang baboy na hila-hila nya pagkatapos nyang gilitan. Nakatayo lang ako habang umiiyak at nanginginig na nakatiklop ang dalawa kung mga kamay. Hindi sya tao! Sinulyapan nya ako, puno nang takot na luha ang aking mga mata nang nagkatitigan kami.
Tinaas nya ang isa nyang hintuturo at tinapat nya ito sa kanyang bibig. "Shhhh." Nabasa ko ang galaw nang kanyang labi, walang emosyon ang kanyang mukha. Pagkalampas nya sa akin ay bumaksak ang mga tuhod ko sa sahig...hindi sya tao. Demonyo sya. Parang bumaliktad ang aking sikmura--nasusuka ako. Ngunit hindi ko alam kung kaya kong tumayo dahil sa mga lampa kong tuhod.
**********
To be continued...
Warning: Not edited, violence, and inappropriate words.