--Camille-- Huminga ako nang malalim at bumaba ako ng hagdan. Dismayado ako sa ginawa ni Anderson dahil kinabahan talaga ako nang matindi kanina. Hindi sya pwedeng lumabas ng bahay dahil ang dami nyang sugat at may nurse na nagbabantay sa kanya. Humikab ako. Inaantok pa ako eh alas dose na palang. Nang makababa ako ng hagdan ay naglakad ako papuntang front door. "You!" Muntik na akong mapalundag sa gulat nang maynarinig akong sumigaw na babae sa aking likuran. Kinakabahan ko itong nilingon at nakita ko si Miss Catherine na nasa taas ng hagdan, kalalabas lang yata nya ng kwarto. Galit itong bumaba ng hagdan. Naka red drees sya. Mukha syang aalis at ang ganda ni Miss Catherine sa suot nya. "Where is Reysio? Hindi sya nagparamdam sa'kin kahapon pa! Where is he?!" Kumabog ang puso ko sa tako

