Pagkarating nila ng dorm, hindi nila nakita si Joyce sa labas pero alam nilang nasa loob ito ng silid. Sinubukan ni Amelia na buksan ito pero naka-lock ito na karaniwang bukas lang. “Joyce?” tawag niya sa dalaga na puno ng pag-aalala. Pero ni kaunting ingay ay wala silang narinig. Mas lalong nabalot sila ng pag-aalala. “Okay lang kaya siya?” Nag-aalala rin si Pia dahil napalapit na rin ang loob niya sa dalaga. Mabait kasi ito at hindi plastik kaya madaling pakisamahan. “I hope so. Malakas na babae si Joyce, kaya hindi siya papatalo dahil sa salita lang.” Nakita niyang masyado ng gabi ayon sa relo na nakasabit sa pader at siguradong tapos na rin ang programa. “Umuwi ka na muna, Pia. Ako na ang bahala rito.” Gabi na nga at kailangan pang umuwi ni Pia. Nakaabang na sa labas ang driver

