“Maghiwalay tayo. Hahanapin ko si Quenzy habang ikaw ay maghanap sa kaniya o sa kaibigan niya. Baka may nakakita sa kaniya at may makuha kang impormasyon,” sabi ni Art habang patuloy na tumitingin sa paligid. “Sige po. Salamat, Kuya!” Naunang umalis si Amelia at iniwan ang kuya sa kinatatayuan nito. Naghanap sila ng magkahiwalay ngunit wala sila talagang makita. Hanggang may isang babaeng lumapit kay Amelia at kilala niya ito. Minsan niya itong nakilala nang magkasalubong sila ni Joyce isang tanghali. “Pia, sandali lang! May itatanong sana ako sa iyo,” sabi ni Amelia nang hinarang niya ito. “Hinahanap mo ba si Joyce?” tanong agad nito kay Amelia. Nagulat man siya sa tanong nito ay hindi niya ito pinahalata. “Oo. Nakita mo ba siya?” She’s anxious. “Hindi, e. Kahapon pa huli kong

