The next day, Joyce received another letter but this time a two stanza Filipino poem was written in it. ‘Sa loob ng maraming taon, Akala ko ako’y manhid sa tawag na pag-ibig. Pero sa isang iglap, Puso ko’y nagsimulang tumibok. Noong una, aking pakiwari Ito’y isang sakit sa puso. Pero noong huli ay aking nabatid, Ito ay ang unang t***k ng pag-ibig.’ Gustong matawa ni Joyce nang mabasa niya ito. Hindi niya alam, kahit ang corny nito ay napasaya siya nito. Pagpasok niya kanina sa kanilang silid, ito agad ang nakita niyang nakapatong sa kaniyang desk. Walang sino man ang nagtangkang kunin ito o buksan. Hindi alam ni Joyce kung kilala nila kasi noong tinanong niya ay hindi raw nila kilala. “Pia, hindi mo talaga kilala?” Mas nauna kasing dumating si Pia kaysa sa kaniya, kaya

