“Miss Scott, it’s not that we don’t want to stop this mess, but we are already too late. Almost everyone, especially those from the Department of Higher Education, knows about it. We are being questioned, and we’re afraid we’re facing some charges right now,” sabi ng Disciplinary Officer na akala mo’y nanlulumo pa. Halos hindi nagsasalita ang Dean at nakikinig lang. Umpisa pa lang kasi, sang-ayon na siya sa Officer kaya dumalo lang talaga siya para walang masabi ang mga magulang na naroroon. Para sa kaniya, hindi kawalan ang isang scholar—palamunin lang naman ito—samantalang kapag estudyanteng mula sa mayayamang angkan ang nawala, malaking problema iyon sa paaralan… at sa kaniyang sarili. “If you say so, Sir. Just tell us the verdict, Sir.” Buo man ang boses ni Joyce, sa loob niya ay nai

