Ang isang haka-haka, kapag pinabayaan, ay parang apoy—kakalat at sisira nang walang awa. Ito ang nangyari sa kumakalat na rumor kay Joyce. Kahit kinontra niya noon si Hansel, hindi lahat ay nakarinig noon. Tila apoy itong kumalat, hanggang umabot na sa ibang departamento. Ang mga gurong nakaalam ay hindi na natuwa dahil nasisira na ang kanilang karangalan. Mayroon na ring magulang na nagreklamo nang makarating ito sa kanilang kaalaman. Hindi na talaga ito napigilan pa kaya umabot na sa opisina ng eskwelahan. “Miss Scott, please call your parents tomorrow morning and bring her to the office. For now, you are excused for today,” sabi ng guro. Pinatawag lang siya nito sa labas dahil may sasabihin daw, at ito na nga ang sinabi. Walang maisip na dahilan si Joyce kung bakit ipapatawag ang ka

