“Kanina pa ba kayo naghihintay? Sorry dahil natagalan ako,” sabi agad ni Joyce pagkapasok niya ng dorm. Hindi sila uuwi ngayong linggo sa dami ng gagawin kaya naman si Amelia ay nandito rin. “Ayos lang. Kararating lng din namin namili ng mga sangkap.” Si Amelia ang sumagot dahil umiinom pa si Art ng tubig. “Ganoon ba. Edi maghahanda na ako kung ganoon. Ano ba ang binili ninyo?” tanong pa niya pagkatapos niyang ilagay ang bag sa kaniyang silid. “Bumili lang kami ng pang beef kaldereta. Tapos nakabili rin kami ng leche flan para panghimagas natin.” Si Amelia pa rin ang sumagot. “Bumili na rin kami ng isda para sa hapunan ninyo at ilang mga inumin,” dagdag pa ni Art na lumabas na sa kusina pagkatapos ilabas sa supot ang mga pinamili nila. “Okay. Ako na ang bahala,” masigasig na sabi ni

