“My brother loves your design,” sabi ni Amelia nang makapasok siya ng pinto. Kagagaling lang nito sa kaniyang kuya para magpakita at naghatid ng damit na ginawa ng kaibigan. Mamaya kasi ay susuutin nila ito para sa final day ng event. Karamihan lang naman ay awarding at pageant ang gaganapin. Naging abala ang dalawa lalo na si Joyce na sumali sa laro tapos may trabaho pa siya sa publishing house na dapat gampanan. Mabuti na lang at kung saan siya naka-assign ay doon ang laro niya. May kasama din naman siya kaya medyo madali lang. Pero sa ilang araw na iyon, hindi sila nagkita ni Art dahil abala din ito. Nagkita sila noong linggo, noong nagsimba at namasyal sila pero sunod no’n ay wala na. Tawag lang ang naging ugnayan nila nitong mga nakalipas na araw. Nangako na lang ang binata na pagk

