“Good morning! Start your morning with a smile. Don’t forgot your breakfast,” basa ni Joyce sa mensaheng pinadala ni Art nitong umaga lang. Maaga siyang gumising pero mas halatang mas maaga ito kaysa sa kaniya. Sinagot niya ito na naghahanda na siya at kakain sila ni Amelia. Maaga ang pasok nila kaya dapat na nakaalmusal sila dahil tanghali na ang labas, lalo na siya. Sunod-sunod kasi ang klase niya at hapon lang ang maluwag. Sinadya niya ito para may oras pa siya sa kaniyang trabaho. Naghanda nga siya ng agahan at nagluto na rin siya ng pananghalian na iinitin na lang mamaya. Wala ng oras pa para magluto kaya isahan na lang. Sa hapunan na lang ulit siya magluluto. Habang nagluluto, noong may oras pa siya, ay nag-ayos na rin siya. Mamaya ay lalabas na si Amelia kaya baka magsabay pa sil

