Balik na naman sa eskwelahan sina Joyce at Amelia. Mabilis lang talaga lumipas ang oras lalo na kung abala ang lahat. Ikalawang semester na at magkaklase pa rin sila ni Pia. Medyo nabawasan nga lang ang kaklase nila dahil naglipat ang iba sa iba’t ibang kadahilanan. Pero ito, laban pa rin si Joy para sa pangarap niya. Tuloy pa rin ang scholarship niya kaya wala siyang problema sa bayarin. Nandiyan din ang trabaho niya sa publishing house ng eskwelahan, na ngayon ay nagdadagdag na ng allowance sa kaniya. Laki ng kaniyang pasasalamat dito dahil ang dami nilang bayarin at mga gamit na kailangang bilhin. Lunch break na, kaya inaya na ni Pia si Joy sa canteen. Malapit ang dorm pero dahil naaya na siya at nakakahiya namang humindi sa kaibigan, sumama na lang siya. Habang naglalakad sila

