Mas naging abala si Art dahil sa sunod-sunod na aktibidad sa kanilang kompanya. Halos wala na nga siyang tulog sa sobrang dami ng trabaho. Pero kahit ganoon, naisisingit niya pa rin ang kausapin si Joyce. Ito kasi ang pampalakas niya kaya imposibleng kalimutan niya ito. Kahit isang text lang sa isang araw, masaya na siya at may lakas ng tapusin ang trabaho. Sumapit ang New Year’s Day, hindi nakapunta si Art sa kanila Joyce. Dumating kasi ang mga magulang nila at isinama sila sa isang party. Walang magawa ang magkapatid dahil batas ang salita ng mga magulang. Tawag at mensahe na lang din ang naging tulay nina Amelia at Joyce para makapag-usap. Enrollment na lang ulit sila magkikita, at talagang nagplano na si Amelia ng gagawin. “Overnight tayo sa isang resort o hindi kaya sa hotel p

