Puno ng ngiting lumabas ang dalawa sa circus. Tuwang-tuwa talaga si Joyce sa mga hayop na nagpe-perform at ang mga taong parang totoong lumilipad sa flying trapeze. “Sulit ba?” tanong ni Art sa dalaga. Naglalakad na sila at naghahanap na naman kung saan pa pupunta. “Oo. Gusto ko siya ulit panoorin kung puwede lang,” sabi naman ni Joyce. Ang lawak ng pagkakangiti nito na siyang kinangiti na rin ng binata. “May isang oras pa tayo bago ang pagkikita, may balak ka pa bang puntahan?” Medyo nagtagal kasi ang palabas dahil sa hirit nang hirit ang mga tao. Nagustuhan kasi nila ang palabas. “Kanina sana sa horror house pero mukhang wala na tayong oras. Maglaro na lang tayo.” Nakita niya kasi ang iilan na may dalang mga napanalunan nila. Gusto niya ring subukan maglaro. “Okay. Ako ang bahal

