“Nakabili ka na ba ng ticket, Amelia?” tanong ni Art sa kapatid. Nakasakay na sila ngayon at papunta na sa malamit na amusement park. Ito kasi ang gusto ni Amelia dahil hindi pa niya nasusubukang makapunta roon. Naririnig niya lang sa dating kaklase na pumupunta sila sa amusement park kapag pasko. Gusto niya ring masubukan kahit isang beses lang. Habang si Art ay pumayag na rin. Hindi lang dahil gusto niyang maranasan kundi gusto niya ring makasama si Joyce sa araw na ito. “Oo, naman. Kanina pa!” taas noo nitong sabi. “Good," sabi ni Art na hindi pinansin ang tono nito. Nag-usap pa sila ng kung ano-ano pero karamihan, mga kwento ni Amelia ang siyang bida. Sumasabay naman ang dalawa sa unahan sa usapan kung kailangan. Sina Art at Joyce ang nasa unahan, habang sina Amelia at Elsa

