“Oh, ano nangyari sa iyo?” tanong ni Elsa sa anak. Nakaupo ito sa kanilang sala at hawak ang selpon pero ang kapansin-pansin ay ang nakabusangot nitong mukha. “Wala po, ‘Nay.” Agad na itinago ni Joyce ang selpon. Napangiti ang ginang dahil sa inaasta ng anak. Ngayon niya kang ito nakitang nagkakaganito at masaya siyang nasasasaksihan ito ngayon. Lumalaki na talaga ang kaniyang anak dahil marunong na ito g magkagusto. “Si Art ba?” nakangiting usisa pa ni Elsa. Naupo ito sa tabi ng anak at tiningnan nito ang pagbabago ng emosyon nito. “Po? Hindi po.” Alam ni Elsa na nagsisinungaling ito dahil hindi makatingin sa kaniya. “Hindi ba siya tumawag simula noong umalis siya?” taas ang kilay na tanong ni Elsa. Doon napanguso si Joyce at umamin na nga sa ina. “Opo. Kahit si Amelia ay ganoo

