“Last one na talaga,” sabi ni Akio na itinaas pa ang hintuturo. Napahinga na lang nang malalim si Joy bago tumango. Wala na siyang magagawa dahil napasubo na rin naman siya. Samahan na lang niya para matapos na at makauwi siya. Nagpaalam talaga noong sabado si Akio kay Elsa. Dahil nga apo ng taong parang pamilya na rin ang turing sa kanilang mag-ina, pumayag si Elsa. Iyon nga lang ay may kondisyon, palaging mag-text si Joy kung saan sila. Sumama pa ito sa pagsimba sa kanila bago niya inaya ang dalaga. May sasakyan siyang gamit kaya mabilis lang ang biyahe nila. Iba’t ibang Japanese restaurant na ang napuntahan nila. Tinitingnan talaga nito ang disenyo ng mga restaurant saka pati pagkain ay hindi nakaligtas sa kaniya. Napapatango ito minsan kapag authentic ang lasa at itsura, at wal

