Mula sa mga maraming tao na nanonood, isang lalaki ang nakatingin kay Joyce. Buo ang tiwala niya sa dalaga kaya alam niyang mananalo ito. Dumalo lang siya para ipakita ang kaniyang suporta rito at sinabi niya rin kasi kagabi. “Pres, manonood po talaga tayo?” tanong ng lalaking tumatayong sekretarya niya. Ayaw niya kasi ang trabaho ng babae kaya kumuha siya ng lalaki, for private matter and for school. “Yeah. Because, I-I promised to my sister that I will watch her friend while she’s not here.” Tumingin agad siya sa malayo para hindi nito mahalaga ang pagsisinungaling niya. Ayaw naman niyang malaman nito na nagkusa talaga siya at hindi dahil sa kapatid niya. May dahilan siya kung bakit ayaw niyang ipaalam sa iba ang kaniyang nararamdaman. Ilang oras rin ang itinagal bago nila ito natapo

