“How are you? Are you okay? Did she hurt you?” sunod-sunod na tanong ni Art kay Joyce habang tinitingnan ang bawat parte ng katawan nito na hindi hinahawakan. Ngunit sa huli ay wala naman siyang nakitang sugat o ano pa man na indikasyon nasaktan ito. Abala si Art buong araw at nalaman niya lang ang nangyari noong matapos siya sa ginagawa. Nang malaman niya ito, agad siyang nagmadali papunta sa dorm ng kapatid. Alam niyang nandoon na ang dalawa. Sa pagbukas nga ng pinto, si Joyce agad ang bumungad sa kaniya. Iyon, tanong agad ang naging kaharap ng dalaga. “Pumasok ka kaya muna, Kuya?” sarkastikong sabi ni Amelia. May dala itong sandok na ibig sabihin ay ito ang nagluluto. Agad namang pumasok si Art na hindi nilulubayan ng tingin si Joyce. Nakapambahay na ang dalawa at halata namang

