“I hate your smile because it makes my heart beat. A beat that is so wild and it aches. But I also love it because it makes my day whole.” Panibagong sulat na naman ang natanggap niya noong umagang iyon. Pabago-bago ang sinusulat nito, depende sa kung ano ang maisip niya. Hindi mapigilan ni Joyce na huwag mapangiti. Hindi niya alam pero nadadala na rin siya rito, pero hanggang doon lang. Pagkatapos niyang mabasa ay itinago niya ito at nagbasa na naman ng libro. May quiz sila mamaya pero hindi na siya nag-aral dahil pinag-aralan niya na ito kagabi. Saka, mabilis siyang makaalala na parang nagpapakita lang sa kaniyang balintataw lahat ng nabasa niya. Nauna nga siyang pumasok kaysa sa ibang estudyante, at ang sulat ay wala sa desk niya ngayon. Ibinigay ito ng janitor na naglili

