“Joy, meryenda tayo minsan. Sobrang abala mo na at hindi na tayo nakakapagmeryenda,” nangusong sabi ni Pia. Minsan kasi kapag hindi siya abala, nagmimeryenda sila ng fishball sa labas ng eskwelahan. Hindi naman iyon pinagbabawal, sadyang mapayo lang ang lalakarin mo. Sulit naman dahil masarap at mura lang ito. “Sorry talaga. Exam natin last week, tapos ngayong week ay kailangan naming matapos ang newspaper. Kaya naman ayon! Naging abala ako at halos nagmamadali palagi,” ika niya habang naglalakad sila palabas ng kanilang building. “Naiintindihan ko naman. Iba talaga ang may kaibigang matalino,” nanunukso nitong sabi na kinailing na lang ng dalaga. “Kailan ka ba libre? Next week?” “Mga ganoon na nga. May pupuntahan pa kasi ako ngayon.” Hindi niya na pinaliwanag pa dahil ayaw niyang i

