Sa buong weekend na lumipas, magulo ang isip ni Joyce. Mula sa tanong ng kaibigan hanggang sa nakita niyang sulat kamay ng kuya nito. Pinagtagpi-tagpi niya ito at medyo hindi maganda ang pakiramdam niya sa kaniyang nahulaan. Para sa kaniya, it is a horrifying thing. Dahil maaari itong maging dulot ng pagkasira ng plano niya, ng pangarap niya. Maaaring maging mitsa para hindi niya matupad ang gusto niyang mangyari sa ina. Sa huli, para mapahinahon ang sarili ay ginamit niya ang kakayahan niyang magkumbinsi ng tao. Kakausapin niya muna ang Kuya Art niya para mas sigurado siya kaysa pinahirapan niya lang ang isip niya sa huli maling akala pala. Sumapit ang lunes, nahihiya si Joyce na tanungin ang kaibigan lalo na’t nakabusangot ito. Mukhang hindi naging maganda ang weekend nito. May iti

