"ATE?" "Xander?" sabay pa nilang sabi. Gulat ang namutawi sa mukha ni Mina ng makita ang kapatid. Binalingan ni Xander ang lalaking bumabastos sa kapatid. Isang suntok ang pinakawalan ni Xander dito. "Tama na 'yan, Xander!" awat ni Mina sa kapatid. "Binabastos ka, Ate, nitong gago na ito!" galit na suway ni Xander sa Ate niya. "Halika na," aya ni Mina kay Xander. At hinila ang kapatid palayo doon. Hinarap ni Xander ang kapatid. Matagal na rin noong huli niya itong makita. Limang taon na ang lumipas. "Anong ginagawa mo rito, Ate?" "Ako ang dapat magtanong niyan sa 'yo. Anong ginagawa mo rito sa Laguna?" "May research kami, Ate. At dito kami sa Laguna na assign. Ikaw? Saan ka ba nanggaling? Ang tagal ka naming hinahanap. Andito ka lang pala. Si Nanay nag aalala sa 'yo," may tampo sa

