MASAYANG masaya si Calvin ng maibalita sa kanya ni Xav na nakauwi na si Mina. Napalitan ito nang lungkot ng malaman ang galit ni Mina sa lumaspatangan sa kanya. Pero umaasa pa rin siya na mabubuo sila na isang pamilya ngayong andito na si Mina. "Baby Cay, Mommy is here," mahinang bulong ni Calvin sa natutulog na anak. Hinaplos niya ang buhok ng anak. At kinintalan ng halik sa noo. Five years siyang naghintay at naghanap kay Mina. Ngayon andito na ang dalaga, natatakot naman siyang humarap dito. Napakadami niyang kasinungalingan. Pinagtagni tagni niyang mga kuwento. Pati ang kahayupan na ginawa niya kay Mina ngayon. Sising sisi na siya. Hindi siya mapapatawad ni Mina kapag nalaman nito ang lahat. Ang lahat ng ginawa niyang kasalanan, lalo na ang panggahasa niya sa dalaga. Maaga nagising

