"SAMAHAN mo ako ngayon sa bahay mo! Kukunin ko ang anak ko sa 'yo!" bulyaw na sigaw ni Mina. Nakayuko si Calvin na tinatanggap ang mga sigaw ni Mina. Nagmamadali na nilapitan ni Minda ang anak. Bitbit ang tray na may lamang meryenda. Ibinaba niya iyon sa center table at bumaling kay Mina. "Anong problema, Mina? Bakit ka sumisigaw? Nag-aaway ba kayo ni Calvin?" mga tanong ni Minda. Puno ng pag aalala ang mga mata niya. "Nay, hindi niyo kilala ang lalaki na iyan! Masama siya! Sobrang sama niya. Hindi! Isa siyang walang puso! Dahil sa kanya nasira ang buhay ko! Dahil sa tarantadong iyan, ipinamigay ko ang dugo't laman ko!" bulyaw ni Mina. Nanginginig ang labi niya sa galit. Nag uunahan ang mga luha niya sa kanyang mga mata. Nanlaki ang mga mata ni Minda. Napatakip siya sa kanyang bibig s

