NAUNANG bumaba si Mina ng kotse ni Calvin. Hindi na niya hinintay pa ang binata na pagbuksan siya ng pintuan. Malalaki ang hakbang na papalit sa bahay ni Calvin. Wala na siyang pakialam kung si Calvin ang may ari ng bahay. Basta makita niya at mahagkan ang anak ay masaya na siya. Limang taon ding pangungulila si Mina at paninisi ang ginawa niya sa sarili. Iniisip niya minsan kung bakit kailangan pang mangyari ang lahat ng ito sa kanya. Ngayon, anak niya ang naiipit sa mga. "Cay! Cay!" malalakas na sigaw ni Mina. Umiiyak na tinatawag ang anak. "Nasa taas ang kuwarto ni Cay. Pangalawang kuwarto mula sa hagdan," sambit ni Calvin. Agad na tumalima si Mina at nagmamadaling pumunta nang hagdanan. Pataas, papunta sa kuwarto ng kanyang anak. Sari saring emosyon ang nararamdaman ngayon ni Mina.

