NAGMULAT ng kanyang mga mata niya si Mina na mag isa na lamang sa kama. Wala na ang mag ama niya. Totoo ba? Mag ama niya? Napaawang siya ng kanyang labi. Hindi siya makapaniwalang naisip niya iyon. Naghilamos lang siya sa banyo at nagsipilyo. Pagkatapos ay kaagad siyang bumaba para hanapin si Cay. Nasa hagdan palang siya ay dinig na niya ang maliit na tawa ni Cay. Nahimigan din niya ang boses ni Calvin. Siguro ay naglalaro ang mag ama sa sala. Dahan dahan ang paghakbang niya papalapit sa mga boses na iyon sa sala. Nadatnan niya ang mag ama na masayang naglalaro. Napadako ang tingin ni Cay sa kanya. Nginitian niya ito. "Mommy," sabi nitong tumatakbo palapit sa kanya. "Good morning po. How's your sleep po?" bati at tanong ni Cay sa kanya. Dumukwang si Mina at pinisil ang pisngi ng anak.

