WALANG tigil ang pag-iyak ni Mina. Nakauwi na siya sa bahay nila. Hindi lamang natamaan ang kanyang pride pati ang kalooban niya ay sobrang nagdamdam sa mga binitiwang salita ng sariling anak. Mas mahirap palang tanggapin kung galing kay Cay ang mga salitang iyon. Hindi niya makakayanan na patawarin si Calvin. Kahit ayaw ng anak niya na sumama sa kanya. Gagawin niya ang lahat para magpunta sa kanya ang anak. Hindi siya titigil hangga't hindi nababawi si Cay. Dapat nasa kanyang poder ang anak nila. Kahit pa kalabanin niya si Calvin at ilalaban niya kahit pa sa korte. Malakas kaya ang depensa niya, iyon lamang ay mauungkat ang kanyang nakaraan. Siyang bukas nang pinto ng kuwarto ni Mina. Naglalakad palapit si Minda sa anak. Simula noong umuwi ito mula sa bahay nila Calvin ay nagkukulong

