Sabi niya hindi siya lalapit pero ramdam na ramdam ko ang mabigat niyang titig mula sa malayo. Hindi ko mainom-inom ang alak na ibinigay sa akin dahil nakabantay siya sa bawat galaw ko. “Attorney Vicencio mukhang balisa ka, ayaw niyo ba rito? Pwede naman tayo lumipat.” Nahihiyang ngumiti ako. “Hindi naman, ito kasi ang unang beses ko kaya naninibago ako.” Totoo iyon. Ito ang unang beses na makakapasok ako sa ganitong lugar. The lights are blinding and the music is bombing. High-end daw siya kaya mga kilalang personalidad din ang halos ang nakikita ko. Namilog ang mata nila. “Talaga ba? Oh, my goodness, kaya dapat mas gawin nating exciting. Hindi ka naman conservative, Attorney, ano?” Nakangiting umiling ako. “I am not. I am in whatever you want us to do.” Naghiyawan sila kaya n

