“Maraming salamat po! Maraming salamat! Utang namin ang buhay namin sa ‘yo.” The old lady cried while hugging me. Sinubukan siyang ilayo ng mga pulis sa akin pero hindi nila magawa dahil sobrang higpit ng yakap niya kaya sinenyasan ko na hayaan na lang sila. I won the case against Mayor Marquez. Halos isang buwan din ang itinagal ng kaso at wala akong ibang ginawa kung hindi kumalap ng matibay na ibendensiya. Now he is facing charges against him. “Hindi po, ako ang nagpapasalamat dahil hindi kayo tumigil na maniwalang maipapanalo natin ito.” I looked at the other farmers. They are crying not from sadness but because of happiness. Naibalik muli sa kanila ang lupa at may makukuha pa silang pera para makapagsimula ulit. Maliit na bagay lang iyon pero sobrang saya nila noong magbigay na

