Humigpit ang pagkakahawak ko sa insulated tumbler. His eyes speak different emotions. Namamasa pa rin ang mga iyon dahil sa pagluha. Kahit ako ay malabo pa rin ang paningin dahil sa luha. “Hindi ko muna iisipin ang sarili ko, mga bata na muna ang pagtuunan natin ng pansin. Gusto kong kahit na sa murang edad nila ay makilala ka nila bilang Mommy nila. We will be casual with each other, for now, it is for the sake of our kids.” Kumirot ang puso ko sa sinabi niya pero tumango na rin. I will accept whatever he can give for now. Hindi madali para sa aming dalawa ito, at ang gusto ko lang din muna sa ngayon ay ang makasama ang mga anak ko. “T-Thank you,” I said. Lumayo siya sa akin. Tumalikod siya sandali para ayusin ang mukha niya. Pagharap niya ay seryoso na ulit siya pero hindi tulad

