Nakasalubong ko si Sherwin pabalik sa hospital room. Inalalayan niya ako agad nang makita ako. “Saan ka galing?” nag-aalalang tanong niya. “May bata kasi naligaw. Tinulungan ko na makabalik sa magulang niya.” Hindi na siya nagsalita pa. Inayos niya ang pagkakalagay ng nakakabit sa akin bago inayos ang binili na pagkain. Naupo ako sa kama at pinanood siya. “Sherwin,” tawag pansin ko sa kaniya. Sandali niya lang akong tinignan dahil busy siya sa pag-aasikaso ng pagkain ko. “Hmm?” “Hindi ba tayo… nagplano na magkaanak?” Kuryoso ako kaya ko naitanong iyon. Sa totoo lang ay masaya ako na wala kaming anak ngayon dahil sa hirap ng buhay, at isa pa… parang hindi ako handa. Natigilan siya at hindi agad na tumingin sa akin. Saka ko lang na-realize kung gaano ka-awkward ang tanong na iyo

