“May iba ka ba na kailangan? Mamaya dadaan ako sa mall, gusto mo ba ng bagong lotion? Lipstick–” I smiled briefly at him. “Wala na akong ibang kailangan. Ipunin mo na lang ang pera para mas malaki ang maipadala mo sa Pilipinas.” Nagpatuloy ako sa pagkain na siya rin ang nagluto. “Pero gusto kong ibili kita. Kahit noon pa man ay wala kang hinihiling sa akin, alam mong isa ka sa dahilan kung bakit nagpupursigi ako sa pagtatrabaho. Gusto kong ibigay ang buhay na nararapat para sa ‘yo.” I should be happy hearing those words but I felt nothing but emptiness. Puno ng pagmamahal ang pagkakasabi niya noon pero wala akong ibang maramdaman kung hindi ang pagkabilib sa kaniya. “May tanong ako…” wika ko. Nanatili ang tingin ko sa kaniya, ganoon din siya sa akin. He’s a good-looking and nice ma

