CHAPTER 2
ONE AND A HALF YEAR LATERS…
SAFARA POV
What happened in America stays in America. At kung anuman ang nangyari ay dapat nang kalimutan.
3RD PERSON POV
For some reasons, hindi alam ni Safara kung ano ang kaniyang ginagawa sa harap ng Cleistein Company. Kung saan sila ang nagmamay ari at ang asawa niya ang CEO. Si Neo Cleistein. Ang isa sa pinaka sikat na businessman na kinikilala ng lahat. Bukod dito ay isang napakagwapo at tinitingala ng lahat ng tao lalo na ng mga kababaihan.
Humugot s’ya ng malalim ng hininga at ngumiti. Nais n’yang irelax ang kan’yang sarili.. Maybe she can lose her mouth or her lips dahil sa lapad ng kaniyang ngiti.
She was too excited to surprise her husband dahil sa biglaan niyang pag uwi ng pilipinas. She missed him. She missed him very much. She was in amerika for almost eighteen months. Eighteen months na walang komunikasyon sa kaniyang asawa. Walang text, walang tawag at walang kahit anong balita siyang nalalaman sa kaniyang asawa. And it breaks her like hell.
Ang sabi kasi ng kaniyang ina noon ay kung gusto niyang makalimot at mabilis na humilom ang sakit na kaniyang nararamdaman ay sumama muna siya rito sa amerika.
And she did. Mas pinili niyang sumama sa kaniyang Ina sa ibang bansa kaysa manatili sa tabi ng kaniyang asawa dito sa pilipinas. But she came back, now. And she wants to right the wrong decision that she made, na iwan ang kaniyang asawa.
Imbes na ayusin nila ang problemang mag asawa ay tumakas siya. Sumama siya sa kaniyang ina sa Amerika.
Sobra ang kaniyang pagsisisi sa kaniyang naging desisyon na iyon. Kaya nais niyang itama ito ngayon at sana lang ay hindi pa huli ang lahat.
Ginawa niya lang naman ang desisyon na iyon, na iwan muna pansamantala ang kaniyang asawa dahil hindi niya alam kung saan at sino ang kaniyang lalapitan noong mga panahong nangangailangan siya ng tao na magpapagaan ng kaniyang kalooban. She didn't have any friends. At dahil iyon sa kaniyang asawa. At dahil din sa asawa niya kaya siya umalis. Hindi siya mahal ng asawa niya. Gusto niya lamang makalimot kahit saglit.
SAFARA POV
Pagkapasok ko pa lang sa kompanya ay halata sa mga mukha ng mga empleyado ang pagkagulat. Syempre, ilang buwan akong nawala. Tapos bigla nila akong makikita sa harapan nila?
Gulat man pero nakabawi rin ang lahat at binati ako. Tumutugon naman ako sa mga ngiti nila at sa mga pagbati nila.
Diretso ako sa Elevator at pumasok, saka ko pinindot ang 23'th floor. Doon kasi ang opisina ng asawa ko. I smiled. "Asawa ko." bulong ng isipan ko.
Inilibot ko ang paningin ko rito sa loob ng elevator.
Ako lang mag isa ang nasa loob ng elevator at pulang pula ang magkabilang pisngi ko dahil naaalala ko ngayon ang mga kalokohan ng aking asawa.
We did it here, two times. No! three times, four times, many times! We had s*x here, quick right? But if felt so good! Especially when you had s*x with the one that you love -to your husband. Sobrang challenging dahil baka sa pagbukas ng elevator ay may tao sa labas. Paano na kung may makakita sa inyo na nag aano sa loob ng elevator.
Pero agad din nabawi ang kilig na nararamdaman ko nang maalaala ko ang dahilan kung bakit ako lumuwas ng bansa isang taon at kalahati na ang nakakalipas.
Kahit na ang asawa ko noon ay hindi ako naiintindihan. ni hindi niya ako nagawang kausapin magmula noong insidente.
Nagsisisi siya.
Alam ko na nagsisisi siya na ako ang pinakasalan niya kahit na hindi niya sabihin. Kitang kita ko sa kaniyang mga kilos at mga mata noon.
Nagsisisi siya na ako ang babaeng pinakasalan niya. Kahit na ang asawa ko ay galit sa akin and it hurts me so bad! Wala ako noon malapitan kaya napilitan akong sumama kay mama sa amerika for almost 18 months.
Hindi lang iyon. Pinamukha niya pa sa akin kung gaano niya ako hindi kamahal. Nakuha niya pang ipakita sa akin ang nakakadiring eksena nila ng kabit niya!
Pero bumalik na ako. Kukunin ko ang dapat na sa akin. Mahal ko si Neo kaya dapat ay akin siya. At higit sa lahat asawa ko siya kaya dapat lang na akin siya. Matagal ko na rin itong pinag isipan. Akin lang si Neo.
“MRS. Cleistein!” Gulat na saad ng secretary ng asawa ko. Agad rin naman siyang nakabawi. “Nice to meet you again, Ma'am.” bati nya. She smiled.
I smile back. “Nice to meet you too, Ms. April Cha. Nasa loob ba ang asawa ko?” I asked.
18 months. Grabe! Hindi ko akalain na makakaya kong hindi siya makasama at mabantayan sa loob ng isang taon at kalahati.
“....” no response.
“Ms. Cha. I’m asking you." Ngumiti ako sa kaniya. "Nasa loob ba ang asawa ko?” I asked again. Ano bang mahirap sa tinatanong ko at hindi niya ako masagot sagot? I sighed. Hindi pa rin siya nagsasalita.
"Ms. Cha!"
“I'm sorry. I'm sorry Ma'am,” mahinang usal niya at tumungo siya.
Nangunot ang aking noo dahil sa paghingi niya ng tawad. Anong ibig niyang sabihin sa pag hingi niya ng tawad? Ginawa na naman ba niya ang katulad ng dati? Ginawa na naman niya ulit? Pinagtatakpan na naman ba niya si Neo sa mga kalokohan nito?
Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko dahil sa paninikip ng dibdib ko. Sana hindi. Sana mali. Sana mali ang hinala ko.
“Ma'am. Bawal daw pong pumasok---"
“Kahit sino?” putol ko sa sasabihin niya.
Mabilis niya kasi akong hinawakan sa braso ko at pinigilan nang papasok na ako sa loob nang opisina ng asawa ko.
“Yes, Ma'am. Iyon po ang mahigpit na ipinaguutos sa akin ni Sir. I'm sorry Ma'am”
“Even his wife?” tumaas na ang isang kilay ko.
Mukhang kinabahan na ang secretary kaya mabilis niyang pinakawalan ang aking braso. And her hands are shaking.
“Pero ma'am, may meeting pa po si Sir, may kausap pa siya sa loob---”
“Babae o lalaki?”
Hindi na naman sya nakasagot sa tinatanong ko. “I’m asking you!” tumaas na ang boses ko.
Tumungo siya. “Babae po.” mahina niyang saad.
Sinasabi ko na nga ba!
Inis kong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin at agad na pumunta sa pintuan nang office ni Neo.
“Ma'am!” she called me.
Inis akong humarap. “What?” nag alinlangan pa siyang sumagot at nahihiya. “Please, huwag mong sabihin sa amo ko na... na sinabi ko sa'yo na babae ang ka meeting niy--”
Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. Pumasok na ako sa loob.
As i opened the door. Nakita kong may kausap nga na babae si Neo. Hindi lang basta kausap kasi magkahawak kamay pa. And guess what? Lantad na lantad ang legs nang babae na 'yan sa asawa ko.
Agad na nandilim ang paningin ko. Lalo na ng magtawanan silang dalawa. Never ko pa kasing nakita na tumawa nang ganyan ang asawa ko. Ni hindi siya tumatawa kahit na anong joke ang sabihin ko sa kaniya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng selos at kirot sa dibdib ko.
Lagi ba s'yang ganito? Lagi ba siyang ganito araw-araw noong mga panahong wala ako? Gabi-gabi ba s'yang may kasamang babae noong mga panahong wala ako?
“What a beautiful show my husband?”
Sabay silang natigilan sa pagtawa at agad na napatingin sa akin. Halatang gulat. Lalo na ang asawa ko. Gulat na gulat.
Mabilis na tinanggal ni Neo ang pagkakahawak n'ya sa kamay ng babae. Pero huli na. Nakita ko na.
“S-safara,” he stutter. Sa loob ng isang taon at kalahati ay ngayon ko na lamang muli narinig yung boses niya.
“Neo,” Pero agad ding napawi ang ngiti sa labi ko sa sumunod na ginawa nang babae.
Hinawakan niya uli ang kamay ni Neo. “Babe, who is she?” malandi nitong tanong.
Agad na kumulo ang kalamnan ko. Hindi ko alam pero... inis kong hinagis sa kung saan ang shoulder bag ko at inis na lumapit sa babae.
Tinayo ko siya sa inuupuan niya gamit ang buhok niya. “Who is she? Who is she?! Malandi kang impokritang p****k hayup ka!” at sinabunutan ko siya sa abot ng aking makakaya.
She deserves it! Napakalandi niya para landiin ang lalaking may asawa na. Neo, why are you doing this to me! God! I felt my heart in pain! Its really hurts!
Sasampalin ko na sana siya ng hawakan ni Neo ang aking kamay. "Don't." Matigas nitong bigkas.
Kaya imbis na masampal ko iyung babae ako ang nasampal.
"Ang kapal ng mukha mong sabunutan ako! How dare you!"
"How dare me? E ikaw? How dare you para landiin ang asawa ko, ha! Isa ka ba sa mga malalanding babae na gustong pumila sa asawa ko? Gusto mo? Gusto mo siyang maikama? Gusto mo siyang maka s*x? Well, fine! Kung kaya ng sikmura mong makipag sapin sapin sa lalaking may asawa na!"
Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ko. I smirked. So hindi niya alam na may asawa na si Neo?
Itinuon ko ang tingin ko sa asawa kong babaero. He looked so damn! Galit na galit ang mga mata niya. Kung galit siya, mas galit ako. "Let go." Mahina kong sabi.
Pero hindi niya pa rin binibitiwan ang braso ko. "I said let go of my hand!"
Ramdam ko ang paghigpit ng kamay ni Neo sa braso ko. "Ganyan ka na ba kadesperado sa'kin?" He whispers in my ear. There's a hint of annoyance in his voice. "Kaya pati mga babae ko pinakikialaman mo?" He added.
Napa ismid ako. Inis kong inalis ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. Wow! Just wow! Ako pa ngayon ang masama? Ako pa ngayon ang masamang asawa dahil pinakikialaman ko siya sa kaniyang mga babae?
Wala ba akong karapatan sa kanya? For pete's sake. I'm his wife! And I have the rights para pakialaman siya sa mga babae niya dahil asawa niya ako!
I laughed. Sarcastic. Pinigilan kong umiyak kahit na masakit para sa akin na hindi na naman ako ang pinagtanggol ng asawa ko. And he choose his mistress over me. God! Palagi na lang niya pinipili ang kabit niya kaysa sa akin! Ganoon ba ako ka pangit? Hindi ba ako magaling sa kama gaya ng mga babae niya? Isa ba akong basura sa kaniya?!
"What do you think of me?" I calmly asked Neo. "One of your girls? Na kung kailan mo gustong ikama, ikakama mo? O kung kailan mo gustong iwan, iiwan mo?"
He looked at me seriously. "Hindi ako ang nang iwan, Safara. Alam mo 'yan."
"Babe, totoo ba ang mga sinasabi niya? Totoo ba na asawa mo siya?" Malanding sabi nito at pumulupot sa braso ni Neo ang babae. "Di ba single ka? Sabi mo pakakasalan mo pa ako habang nag aano tayo kagabi."
Pero hindi niya pinansin ang babae. In fact, nilapitan niya ako. Akala ko hahalikan niya ako sa labi dahil inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
Hinawakan siya ng babae sa braso niya. "Babe" pero hindi niya pa rin ito pinansin. He look at me in my eyes, seriously.
"You are just my wife, Safara. You don't have the rights to say to me kung ano yung gagawin ko o hindi. Because in the first place, i do not love you. You are just my wife in paper, do you understand? Ha, wife?" Diniinan pa niya ang pag sabi ng wife. Damn him!
Lumayo na siya sa akin.
Kinagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko alam pero ang sakit. Na sa bibig niya mismo nanggagaling ang lahat nang iyon. God! For almost one and a half year na pangungulila ko sa kaniya. Ganito pa pala ang maaabutan ko? Sana pala hindi nalang ako umuwi dito.
I smiled bitterly. I tried my best to hide my feelings infront of him. Sinubukan kong hindi umiyak. "Yeah, you are right. I'm.just.your.wife." I bit my lower lip. "Thank you for making me realize that i don't deserve you, Neo Cleistein." and with that, i left.
I left him and his mistress. Magsama silang dalawa!
"How dare you to do this to me, Neo?!" rinig ko pang sigaw nung babae , kasunod nito ang isang malutong na sampal bago ako nakalabas ng office niya.
How dare you to do this to me, Neo?
Ako dapat ang nagsasabi niyan sa kaniya at ako dapat ang sumampal sa hayop na lalaki na iyon. But i can't. Hindi ko siya kayang saktan dahil mahal ko siya.
Paglabas ko ng opisina ni Neo, doon na nagsimulang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan sa aking mata. Inis ko itong pinunasan.
Don't waste! Wag mong sayangin ang luha mo sa walang kwentang iyon Safara.
"Ma'am, are you okay?" Neo's secretary asked.
I just smiled and nodded. "Yes. Thanks for your concern. Buti ka pa,"
I DECIDED na 'wag na munang umuwi. It's almost six pm in the evening. Halos apat na oras na rin ako dito sa sementeryo.
Hinawakan ko ang lapida sa puntod ng anak ko and i started to cry. "Baby nile, are you okay? I miss you" I smiled bitterly.
Eto ang unang dalaw ko sa libingan ng anak ko. At kahit ngayon, hindi ko pa rin matanggap ang pagkamatay niya. Wala akong kwentang ina. Isa akong walang kwentang ina!
Sa loob ng isang taon at kalahati, ngayon lang ako dumalaw dito sa puntod ng anak ko. Hindi ko lang alam kung napunta ba rito ang animal kong asawa na si Neo.
Kung hindi lang sana ako naaksidente. Kung hindi lang sana ako nagpaka tanga. Kung hindi lang sana ako nakunan. I'm sure, masaya na sana tayong pamilya ngayon Baby Nile.
"Nagsisisi ka ba na ako ang naging mommy mo, Baby Nile?" I asked.
Kahit na alam kong wala namang sasagot sa tanong ko.
“Nagsisisi ka ba, baby? Kung nagsisisi ka, sana patawarin mo ‘ko. Dahil hindi ko nagawang protektahan ka. Hindi ko ginusto na mawala ka. Kung maaari lang, ako na lang sana ang namatay! Ayokong mawala ka. Anak, kung alam mo lang, sobrang sakit. Sobrang hirap. Hindi ko alam ang nararamdaman ko kasi sobrang manhid. Gustong sumabog dahil ayaw kang mawala. Kung maaari lang anak, ayokong mawala ka. Ayoko.” Gustong sumabog ng puso ko. Sobrang sakit habang pinagmamasdan ang anak ko na nasa malamig ng ilalim ng lupa. Hindi na kaya pang ibalik dito sa mainit na mundong ibabaw. “Kunin mo na lang din ako, anak. Ayoko na. Hindi ko na kaya. Kunin mo na lang si mommy, baby nile, para magkasama na tayo, parang awa mo na…”
Umiyak lang ako ng umiyak sa puntod ng anak ko hanggang sa makatulog na ako rito.
Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan. Gagawin ko para sa iyo anak ko, pero hindi kaya ni mommy. Dahil wala akong kuwentang ina!
Hinayaan kong tumulo ang luha ko kahit nakapikit ako. Hindi ko pinagaksayahang punasan ‘yon.
NEO POV
It's almost eleven in the evening pero wala pa rin dito sa bahay si Safara. Meron kaming sariling bahay, gusto kasi namin na magkaroon ng privacy sa magulang namin.
Noong umalis si Safara, hindi ako dito tumuloy, sa condo ko. Doon ko rin dinadala ang mga babaeng kinakama ko. Pero ngayong nandito na si Safara, pinabalik ako ng nanay ko dito dahil bumalik na ang asawa ko. Psh.
I called Tita Bridget ( mama ni safara ) kung nasa mansyon ba si safara pero wala raw. Nabalitaan ko kasi na kasama pala ni safara si tita sa pag uwi niya galing sa amerika. Hindi kasama si tito mark ( papa ni safara) dahil may inaasikaso pa raw na business. Ganun din sila mama at papa.
Padabog akong humiga sa kama. At ipinikit nang mariin ang mga mata. *Inhale. Exhale.* "Where the hell are you, Safara?"
Inuubos ng babaeng iyon yung pasensiya ko. Uuwi uwi rito sa pilipinas para lumandi lang?
Wala ba siyang balak umuwi? Bakit ba ako nag aalala sa malanding babae na iyon? She killed my son! Bullshit! She killed my son. Its her fault.
I will make her life miserable with me.
SAFARA POV
Past twelve na nang magising ako sa sementeryo. Buti nalang at may ilaw sa bawat puntod kaya maliwanag pa dito sa loob ng sementeryo.
I stood up and started to walk. I need to go home!
INABOT ko ang five hundred peso sa taxi driver bago lumabas.
"Ma'am!" Habol nung taxi driver.
"Yes?"
"Sukli niyo po,"
"No, thanks. Keep the change." I smiled.
Ewan ko pero, natutuwa ako sa mga taong may magandang trabaho kahit na driver lang. Yung iba kasi mga nagnanakaw nalang ngayon o di kaya tambay.
"Salamat po ma'am."
"You're welcome."
PINAGMASDAN ko ang malaking bahay sa harap ko. I missed this house. Pumasok na ako sa loob. As usual, ang tahimik. Wala kasi kaming maid ni Neo. Ayaw niyang kumuha dahil makaka istorbo lang daw sa aming dalawa.
Napangiti ako bigla dahil naaalala ko ang mga sweet moments namin ni Neo noong buntis pa ako. Ang sweet niya at caring. Ayaw niya akong mapagod. Kung pwede nga lang na nakahilata lang ako buong mag hapon iyon na ang nangyari sa akin. Tapos araw araw pa akong may breakfast in bed. Pero ng dahil sa aksidente, nakunan ako. At sinisisi niya ako sa pagkamatay ng anak namin.
Pumasok na ako sa loob ng kwarto. Bakit nakapatay ang ilaw? Binuksan ko ang switch ng ilaw ng kwarto sa tabi lang ng pinto. Mabilis akong tumalikod at handa nang maglakad palabas pero bago ko pa maisagawa ang unang hakbang sa sahig ay nagsalita na siya.
"Where the hell do you think you're going, Safara?"
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses niya. It’s cold, and scary at the same time. Yung tipong hindi mo gugustuhin na galitin siya but he is. He is angry. It's all because of me.
“Where the hell do you think you're going, Safara?” He repeated his question.
I gulped. Dahan dahan akong humarap sa kaniya. “W-why?”
“Do you know what time is it?”
”I, uhm,”
“Where have you been?” he stood up, make me to bit my lower lips. Inaakit niya ba ako? For gods sake! He’s topless!
“Sa b-bahay lang ng isa sa k-kaibigan ko”
His eyebrows met. “Are you sure?” Dahan dahan siyang lumapit sa akin. “Ha?”
“N-neo,” Unti unti akong nauubusan ng hininga. Habang papalapit siya sa akin, buo na rin ang pawis na namumuo sa katawan ko. It’s so hot!
“Are you aware that you have a husband to fulfill his needs?” his voice soar, husky, and full of desire actually. Yung labi niya ramdam ko sa tenga ko. He bit my earlobe and touch my hair swiftly. “Do you?” he asked, again. "O baka naman pumunta ka sa mga lalaki mo gaya nang dati." Paghihinala niya.
Nangunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. Bakit ba ako nagkakaganito?! Bakit kapag malapit siya sa akin parang nawawala nang bula ang lahat nang nangyari kanina?! I should be angry! “You know what? Bakit hindi ka doon pumunta sa babae mo? Mga babae mo. I'm sure higit pa sa ibibigay ko ang maibibigay nila sa'yo."
I saw his lips formed into smirk. “So you’re acting like a jealous wife now?" he silently laughs. "I'm so heartless for making you jealous."
Napakunot ako ng noo. Malamang! Anong tingin niya sa akin? Manhid? May feelings din naman ako! Nasasaktan din naman ako! At alam niyang mahal ko siya kaya alam din naman niya siguro na nagseselos ako sa mga babae niya at sobra akong nasasaktan.
Tinalikuran ko siya at maglalakad na sana papuntang guest room para doon na matulog pero hinila ako ni Neo at niyakap. Ramdam ko ang hininga niya sa pagitan ng leeg ko. “You made a great move, wife.“ he whispers.
At naramdaman ko ang nagagalit n'yang malaki nang batuta sa likod ko. Gosh! He’s hard!
"Let me go!" pilit akong umaalis sa yakap niya pero hindi ko magawa dahil lalo niya lamang hinihigpitan ang yakap sa akin.
Nanghihina ang mga tuhod ko. Amoy na amoy ko ang pabango niya. His manly scent that i've love to smell.
"Please Neo let me go!"
"Do you think i will let you go after what you did to me?" Mahina niyang sinabi sa akin. His voice rattle.
"What are you talking about, Neo? Wala akong ginagawa sa'yo..." Napatigil ako sa pagsasalita ng magsalita siya.
"My hormones." Diretso pa rin ang tingin niya sa'kin.
Ako na ang umiwas ng tingin. I can't look at him straight in the eye. Pakiramdam ko ay bibigay ako ng wala sa oras sa kaniya at ayaw kong mangyari iyon. "Bitiwan mo ako! Pupunta na ako sa guest room dahil gusto ko ng magpahinga. So kung gusto mong makipag s*x, bakit hindi mo tawagan ang girlfriend mo? Or should i say girlfriends mo.”
He smirked. Nang maramdaman kong unti unti ng lumuluwag ang pagkakayakap niya kinuha ko iyong pagkakataon para humiwalay sa kaniya.
"Safara!" tawag niya sa pangalan ko at mataimtim akong tinitigan.
Hindi ako nagpadaing at nagpatalo sa bawat titig na ibinigay niya sa 'kin. "Matutulog na ako." Tinalikuran ko na siya. Hindi na siya nagsalita. Nagsimula na namang tumulo ang luha sa 'king mga mata. Nasasaktan ako, sobra.
Pagkapasok ko palang sa guest room, nag uunahang tumulo ang luha sa'king mata.
He only see me because of s*x! He only wants s*x between us! He didn't love me! He didn't love me like the way i love him!
Bakit ang sakit pa rin? Hindi na ako nasanay sa kaniya! Kahit anong pilit ang gawin ko upang hindi maramdaman ang sakit nito ay natatalo pa rin iyon at patuloy akong nasasaktan ng dahil sa kaniya.
Bumalik ako dito para iayos ang lahat. Gusto kong matutunan niya akong mahalin. Ngunit paano mangyayari iyon kung ganito ako! Dapat ay hinahayaan ko lang siya sa gusto niya. Dapat ay sanayin ko siya sa presensiya ko. Hindi ko dapat pairalin ang selos ko. I will do everything to make him mine.
NEO POV
Pinagmasdan ko si Safara habang naglalakad palabas ng kwarto namin. Napangiti ako nang patago. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago. Ganoon pa rin siya kapag nagselos. Hindi ko maitago sa sarili ko na kahit iniwan niya ako ng isang taon at kalahati ay na miss ko siya.
Buong taong nawala siya sa akin ang tanging inisip ko ay mabuti na rin iyon dahil siya ang pumatay sa anak namin. Para wala na ring pipigil pa sa aming dalawa ni Mara. Pero nang makita ko siya at dumikit ang katawan ko sa kaniya. Hindi ko mapaliwanag yung sayang naramdaman ko. Iba e. Na miss ko talaga siya.
Humiga ako sa kama ko at mariing pinikit ang aking mata. Hindi ko na alam. Hindi ko alam sa sarili ko kung ano ang nararamdaman ko. Galit ako sa kaniya dahil iniwan niya ako nang hindi man lang nag paalam. Pero nang makita ko siya ay parang nawala ang lahat ng kinikimkim kong galit sa kaniya.
Napatingin ako sa bedside table. My phone's ringing. Kinuha ko iyon at sinagot.
"Hon,"
"Neo, nasaan ka na? Sabi mo pupunta ka rito sa apartment ko." bungad ni Mara.
Hinilot ko ang aking sentido. "Sorry, hon. Nakalimutan ko. Sige sige, papunta na ako."
"No. Huwag na. Magpahinga ka na lang,"
"Sorry talaga,"
"It's okay, Neo. I love you."
"I ... I love you more, Mara."
Pinatay na n’ya ang tawag. Humugot ako ng malalim na hininga. Safara... 1 minute... 8 minutes...
Damn it! Bakit ikaw lang ang naiisip ko? Ni hindi ako makatulog sa kaiisip ko sa 'yo... Safara... Umiling ako. Hindi... Si Mara ang mahal ko. Si Mara ang mahal ko. Tama. Si Mara lang ang mahal ko. Iniisip ko lang siya dahil asawa ko siya. Mahal ko si Mara. Ugh! Ginulo ko yung buhok ko.
Safara, please bumalik ka na lang sa states. Dahil sa tuwing nakikita kita, nababaliw ako. Sa tuwing nagkakalapit ang katawan natin, iba ang nararamdaman ko. I want you. I want you here in bed, with me, every night.