Chapter 3

2796 Words
CHAPTER 3 SAFARA POV Kinaumagahan… Paglabas ko ng kuwarto, habang pababa ako ng hagdan ay may naririnig akong nag uusap. "Of course! Hintayin mo lang, hon. Mag pa-file rin ako ng divorce..." Huminto ako sa pagbaba ko. Boses iyon ni Neo. Magpa-file siya ng divorce? "Hindi ganoon kadali 'yon Pakakasalan kita, just wait, okay? Hon, I love you." Pagkatapos noon ay wala na akong narinig. Dumiretso na ako’ng naglakad pababa ng hagdan. Hindi ko pinansin si Neo hanggang sa makarating ako ng kusina. Ramdam ko pa ang pagtitig niya sa akin ngunit hindi ako nagbibigay maski anong reaksyon. Divorce? How dare he! Matapos niyang pakinabangan ang lahat ng sa akin? Tapos Divorce? He fake a cough. "How are you?" tanong niya nang makalapit na siya sa'kin. "I'm okay," sagot ko at kumuha ako ng baso. "Did you sleep well?" "Hmn," I nodded and drink a milk. Umupo ako sa isang upuan dito sa kusina, ganoon din siya. "Hindi mo ba ako tatanungin?" Bakas ang pagkayamot sa kaniyang boses. Tumingin ako sa kaniya. "Ano’ng tanong ba?" "How was my sleep without my wife in my bed?" Inirapan ko siya. Ano ba ang pinagsasasabi niya? "It was hell, Safara. Pakiramdam ko'y wala 'kong asawang kayang punan ang pangangailangan ko. Kinailangan ko pang magsarili bago makaraos" "Hindi ba ayaw mo sa 'kin? Why are you acting like you are a good husband now? No. Why are you acting like we're in a good terms?" Hindi s'ya nakapagsalita kaya pinagpatuloy ko ang nais kong sabihin. "Malibog. Alam mo, hindi ka ba mabubuhay nang walang makaka-s*x? And you even tell me na nagsarili ka? Ano'ng pakialam ko?" Hindi na siya nagsalita pagkatapos kong sabihin sa kaniya ang lahat ng 'yon. Tanging ang pagtingin niya lang sa'kin ang kaniyang pinagtuunan ng pansin. Tumayo na siya. "Aalis ka na?" Hindi ko na napigilang i-tanong sa kaniya. "You don't care, right?" "I'm just asking!" "Yes, Safara, I'm leaving. Why?" "Nothing," Maliit na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya tapos naglakad na siya patungo sa pinto. Without giving me a kiss. Even a peck on my lips! Kainis! Ano'ng klase siya'ng asawa? Sa bagay, makikipag-divorce na rin naman siya sa akin kaya ano pa ang dapat kong asahan sa kaniya. Taratuhin niya ako nang malamig. Upang kung sakali man na alukin niya ako sa diborsiyong nais niya ay mapapayag niya agad ako. Umasa siya! Hindi ako papayag na makipag diborsiyo siya sa akin. Para ano? Para makasal sila ng kabit niya? Hell no! Neo is mine! Only mine! Naiinis lang ako sa kaniya kanina kaya nasabi ko ang lahat ng iyon sa kaniya pero kasi... Nakakainis si Neo ang sakit sa dibdib. Mariin kong pinunasan ang luha sa mata ko. Hindi ko na kaya ang sakit. Pakiramdam ko ay tuluyang mawawasak ang puso ko. Unti unti siyang pinipiga. Neo, why are you doing this to me? "MAMA, napatawag ka?" Tanong ko kay Mama. "Ano? Ayos na ba kayo ng asawa mo? Nag ka ayos na ba kayo?" Matagal bago ako nakasagot sa tanong ni Mama. "Hindi pa, Ma. Pero huwag ka na pong mag alala. Maayos din po namin ni Neo 'to. Katulad nga po ng sinasabi mo, mamahalin din po ako ng asawa ko." "Well that's good to hear, baby. Kumusta ka na diyan? I miss you." "I miss you, too, Ma. Ayos po ako dito. Ikaw, kumusta na kayo ni Dad?" Matagal bago nagsalita si Mama. "Anak. Alam mo naman na friend na lang kami ng dad mo." "Yes, i know, Ma." Pumikit ako. Mariin. Para hindi tumulo yung namuong luha sa mata ko. "Umiiyak ka na naman." I smiled sa sinabi ni Mama at pinunasan ang luha ko. "Hindi ko po mapigilan. Bakit kaya ganoon na lang yung mga lalaki? Palagi na lang humahanap ng iba. Palagi na lang hindi makuntento sa isa. Palagi na lang may kabit. Palagi na lang walang pagmamahal sa asawa nila, Mama." "It's because they don't see us. Hindi rin nila makita yung halaga natin sa kanila. Minsan nakikita nila iyon kapag huli na ang lahat. Kapag wala na tayo sa kanila." I wipe my tears. "Lets stop this drama, Ma, please." "Ikaw kaya ang nagsimula!" We both laughed. "I love you, Ma." "I love you more, my baby." NEO POV "Bumalik na ang asawa mo?" Hindi na ako nagtaka kung bakit nagulat itong si Frederick. "Ano'ng gagawin mo ngayon kung ganoon nga?" Si Giovanni. "Hindi mo sila pwedeng pagsabayin habang buhay, Neo." Dagdag pa nito. "Ang maganda mong gawin ay iwan mo si Mara at amuin mo ang asawa mo, Neo." Si Enrico. "Huwag mong paasahin si Mara na pakakasalan mo siya." "Mahal ko si Mara." Sabi ko at uminom ng alak. Naririto kami sa isang exclusive bar na kahit umaga pa lang ay bukas na. "Alam namin." ani Giovanni. "Ipakikilala mo ba siya sa amin kung hindi? Kung si Mara nga ay naipakilala mo sa amin at si Safara ay hindi." "Kung mahal mo si Mara, diborsiyohin mo si Safara." saad ni Enrico. "Iyon nga ang aking plano, Enrico." "Bakit hindi mo gawin?" "Humahanap lang ako ng magandang tiyempo para hindi siya masaktan." "Alam naman natin na palagi mo siyang nasasaktan, Neo. Bakit hindi mo pa lubusin nang matapos na ang lahat ng problema mo?" "Enrico." "Gawin mo agad nang hindi mo pagsisihan hangga’t maaga pa. Hanggat hindi mo pa mahal 'yang asawa mo." "Enrico, masyado kang hot. Hinga 'tol, hindi ka si Neo." Natatawang saad ni Frederick. "Masyado kang nadadala sa problema ni Neo." Si Giovanni. Seryoso si Enrico pati ako. Uminom na lamang ako. Makikipag divorce na nga talaga ako para mapakasalan ko yung babaeng mahal ko--- at iyon ay si Mara. SAFARA POV "Kayo pa rin!?" I put my point finger in my mouth para sabihin sa kaniyang manahimik siya. "Shh" "Wow! Safara, hindi ko akalain na ganoon ang itatagal ninyo ng kumag na 'yon, ha. Ang buong akala ko ay makikipag hiwalay ka na sa kaniya." "Grabe ka naman, Sarah." Sobrang saya ko nang makita ko si Sarah dito sa mall. Grabe, nakauwi na rin pala siya rito sa Pilipinas. Sarah is my friend noong nasa amerika pa ako. Siya ang tumulong sa akin na ihilom ang sakit na nararamdaman ko when i was so down. Nakilala ko siya noong nagtrabaho ako sa isang kompanya sa America. "So, ano'ng plano mo?" Tanong niya sa akin. Alam niya ang lahat ng nangyayari sa akin even kay Neo. Ikinuwento ko iyon sa kaniya noong nasa amerika pa kami. "Still the same." Saad ko at sumimsim sa kape ko. We're here in starbucks. "But how about his mistress? Wala ka bang balak na alamin kung sino iyon?" "Sarah, kapag ba nalaman ko kung sino yung kabit niya mapapa ibig ko ba si Neo sa akin? Hindi naman 'di ba? So para saan pa at hahanapin ko yung may martilyo may pako ano'ng tunog na babaeng 'yon? Sayang lang siya sa oras ko." Sa tuwing naiisip ko na mayroong kabit si Neo, kumukulo yung buong sistema ko. "Sus! Kunwari ka pa. If i know, pinatay mo na siya matagal na diyan sa kukote mo. Ewan ko ba diyan sa 'yo kung bakit ayaw mo pa ring hiwalayan 'yang asawa mo. Kung ako ikaw, baka napatay ko na sila ng kabit niya." "Sus! E bakit ngayon hindi pa patay 'yung wala ring kwenta mong asawa at ang kabit niya? Ni hindi mo nga mapirmahan yung divorce paper niyo." Yes, we are in the same position. Kaya siguro mabilis kaming nagkasundo ni Sarah e dahil na rin sa parehas kami ng pinagdadaanan at alam niya ang pakiramdam ko. 'yon nga lang, bakla yung kabit nang asawa niya at may anak siyang three years old na lalaki na nasa papa at mama niya. Sabay nalang kaming nag tawanan dahil sa nasabi ko. "Ano nga pala ang dahilan at umuwi ka dito sa pilipinas? Paano na yung asawa mo doon sa states at yung tiyanak niyang baklitang kabit?" tanong ko sa kaniya na ikinunot ng dalawa niyang kilay at noo. "Nagkaproblema kasi sa bahay kaya eto, napauwi nang wala sa oras. Actually, hindi ito alam ni Westley. Anyway, nakita mo na ba si Kezz? Dumating na siya rito sa pilipinas last week lang. Nang nagkita nga kami ikaw agad ang inuna niyang hinanap sa akin. Buwisit talaga yung lalaking 'yon! Pasalamat siya cute at guwapo siya kung hindi, naku! Biruin mo 'yon? Hindi man lang ako nag tanong sa akin na kumusta ka? Walang paligoy ligoy. Diretso talagang tanong na nasaan ka? Tsk." "Si K-kezz?" I sttuter. Paano sya nakarating dito sa pilipinas? "Yes! Yung nakilala natin nang nag bar tayo? Nagulat nga ako nang gabing 'yon kasi parehas kayo biglang nawala. Kung hindi ko lang alam na lasing na lasing ka na noon at ipinahatid ka pala nang bwiset kong asawa kay Kezz ay baka pinag isipan ko na kayong dalawa na nagpabook ng room doon sa Bar at gumawa na ng baby." Natawa siya sa sariling sinabi ngunit ako ay nanatiling tahimik. Hindi maaari. Hindi. K-kezz, bakit mo pa ako sinundan? I tried my best to forget my past. Pero lahat ng iyon ay kusang bumalik sa 'king alaala na animo'y sariwang sariwa. That night. Mariin kong nahawakan ang kape kahit na ito ay sobrang init. Hindi ko ito ininda. Unti unting tumulo ang luha sa aking mata kasabay nang pagtayo ko sa kinauupuan namin. I get my pouch and wipe my tears falling into my eyes. Gulat si Sarah sa aking inakto pero hindi ko na siya pinansin. "Tawagan na lang kita, friend." nauutal na sabi ko sa kaniya. "Okay, tatawagan din kita if ever na magkita ulit kami ni Kezz. Bye!" Diretso lang ako sa paglalakad ko at hindi pinapansin ang aking nasa paligid nang may nabangga ako. "I'm sorry." Hinging paumanhin ko sa nabangga ko. "Miss, are you okay?" Pero ganoon na lang ang pagkagulat ko ng makita ko kung sino ang aking nabangga. "Safara?" Kezz? Kezz. It's him! Mabilis kong binawi ang aking braso sa kamay niya. "Who are you?" Sinubukan ko ang aking makakaya upang panatilihing kalmado ang aking boses ngunit nagkamali ako. Crap! Napangisi siya sa sinabi ko. Tinanggal niya yung itim niyang sunglasses at tinignan ako mata sa mata. "Don't you remember me, babe?" Nalunok ko ang laway ko at tila nanigas sa aking kinatatayuan. He's still the same. Arogante. Mayabang. Assuming. “Oh! I remember!" I said and he smile. "Naaalala mo na?" He ask. "Yes. Last year. Ikaw yung lalaki sa elevator. Yung Kezz? Yung assuming at mayabang!" Umiling siya. "Bakit ka umalis noong gabing iyon? Iyon na ang pinakamasayang araw ko. Yung gabing hindi ko makakalimutan pero bakit ka umalis? Bakit mo ako iniwan? Hindi mo ba alam kung gaano ako nag alala sa 'yo? Sobra akong nag alala, Safara. Halos mabaliw ako kahahanap sa 'yo tapos nabalitaan ko bumalik ka na rito sa Pilipinas?" "Walang nagsabi sa 'yo na mag alala ka sa akin, Kezz." "Pero gusto kong mag alala." "Pwede ba Kezz! Tigilan mo na ako. May asawa ako. Nakuha mo na ang gusto mo sa akin kaya tigilan mo na ako." "Paano kung mabuntis kita? Hindi lang 'yon basta s*x. Minahal kita, Safara. Mahal kita." "Plain s*x lang 'yon wala ng iba. Just one night stand. Hindi ka na naman Virgin noon Kezz at lalo naman ako kaya no big deal" "Big deal 'yon sa akin dahil mahal kita, Safara." "Pwede ba, doon ka na lang ulit sa babae mo na minahal mo noon. Yung dahilan mo kung bakit ka nag ibang bansa. Siya na lang ang kulitin mo huwag ako." "Ikaw na ang mahal ko. Hindi ko na siya mahal kaya huwag ka nang magselos." "What?" Ako? Magseselos? Ang assuming talaga nito. "Sa maikling panahon na iyon. Sa loob ng isang taon at kalahati na nakasama kita ay minahal na agad kita, Safara. Hanggang ngayon." "Kezz. Nakuha mo na ako. May nangyari na. Ano pa ba ang gusto mo?" Pagsuko ko. I started to walk again, mabibilis ang bawat hakbang ko pero sadyang mas malaki siyang humakbang sa akin kaya nasasabayan niya ako. "What i want?" he asked. "Ikaw. Ikaw ang gusto ko, Safara." Hindi ko na siya pinansin. Hinila niya ang kamay ko at nilapit ako sa kaniya kaya parang nakayakap na ako sa kaniya. Naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko. "I said stop Kezz! Wala kang mapapala sa akin. May asawa na ako!" "Not until i have you." "Alam mong kahit kailan ay hindi kita magugustuhan." Ngumiti lang siya sa sinabi ko. "Hindi natin masasabi." "Sira ulo ka ba?" "You have your own company, right? Cleistein Company. But why did you work in my company? Huwag mong sabihin sa akin na plano mo ang lahat nang iyon?" "Oh shut up Kezz! I have my own reason kung bakit ako sa kompanya niyo nagtrabaho." Inirapan ko siya at tinalikuran na. "You will be mine, soon." I heard he said. Hindi ko na siya pinansin. He's crazy! Nagulat ako nang makita ko ang kotse ni Neo sa garahe namin. Napa aga yata siya ng uwi? Pagpasok ko ng bahay. "Neo. Meron ka bang extrang damit? Pahiram naman." Tila naging estatwa ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang isang babaeng naka short and bra lang. Very familiar yung mukha niya. Parang nakita ko na siya dati. Biglang lumabas si Neo sa isang kwarto nang naka-topless. "Hon, here!" Tumigil siya sa pagsasalita nang makita niya ako. Nagulat din 'yung babae. Naglakad si Neo patungo sa babae at binigay ang t-shirt na hawak. "S-sorry. P-pasensiya na kung naka-istorbo ako sa inyo." Sabi ko. Hindi ko na sila pinansin. Diretso akong naglakad patungo sa hagdan at umakyat papuntang kwarto namin ni Neo. Binibilisan ko ang bawat hakbang ko. "Neo, sino siya? Maid mo?" "Don't mind her, hon. She's my cousin." "Cousin? Parang nakita ko na siya dati hindi ko lang matandaan kung saan at kailan." Napahawak ako ng mahigpit sa dibdib ko at hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha sa mata ko. Cousin ha? Talagang dito sa bahay ko? Hindi na sila nahiya! Tuloy tuloy lang ang pag agos ng luha sa mata ko. I can't help it! Makalipas ang ilang minuto ay nakarinig ako ng kotse na umaandar. Sumisikip ang dibdib ko lalo nang sumilip ako sa bintana. Kita ko kung paano nginitian ni Neo yung babae. Yung ngiti na minsan ay hindi niya naibibigay sa akin. Yung ngiti na nais kong sa akin niya ilaan. Oo, nagseselos ako. Hanggang doon lang naman ako palagi. Maybe this is the sign. Yung sign na nagpapatunay na hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Maybe this is the right time para pakawalan ko na siya. NEO POV There's a part of me that i want to stay longer in my house when i saw Safara. Oh god! What's happening to me? Pero hindi ko kayang hayaang umuwi nang mag-isa si Mara. Kaka ayos lang kahapon ng aming relasyon. Hindi ko na hahayaan pang hiwalayan niya ako. Mabuti na lamang at hindi nila namukhaan ang isa't isa. Malaki ang pinagbago nilang dalawa kaya siguro hindi nila matandaan na nagkita na sila dati. I know this is wrong! Pero kahit ano'ng gawin ko, mahal ko pa rin si Mara kahit na ilang beses na niya akong iniwan at niloko. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Lalo na at narito na siya sa tabi ko. Kaya ididiborsiyo ko ang aking asawa. Iyon ay dahil sa babaeng mahal ko. Wala akong pakialam kung ano ang magiging reaksyon ng magulang ko pati na ni Safara. "Neo, kanina ka pa walang imik. May problema ba?" Mara asked. Nginitian ko siya ng maliit. "Nothing, hon." Nasa kotse ko kami ngayon. Ihahatid ko si Mara sa bahay nila. Hindi siya mayaman kaya hindi siya gusto ng magulang ko sa akin. But I love her. They always told me that Mara is a gold diggerero hindi ako naniniwala sa kanila. I trust her. "Neo. Kailan mo ba ako bibilhan ng sarili kong kotse? Para hindi na ako nakakaistorbo sa 'yo." I look at her. Nakakunot ang kaniyang noo. Ilang beses na namin itong pinagtalunan. "Hon, hindi ka nakakaistorbo. Ayaw mo ba nito? Nagkakaroon tayong sarili nating time para sa isa't isa. And besides, hindi ka pa marunong mag drive. Wala akong oras para turuan ka kung sakali." Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Umikot lang ang dalawa niyang mata. Papalit palit ang tingin ko sa daan at sa kaniya. "Fine. I'll buy you a car. What model and color do you want?" Bigla siyang ngumiti dahil sa sinabi ko. "Seriously, Neo? Hindi ka nagbibiro?" "Mukha ba akong nagbibiro?" Ngumiti ako nang bigla niya akong hinalikan sa labi. Damn! I have loved this woman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD