CHAPTER 4
SAFARA POV
"Kanina ka pa tulala, ano'ng problema?" tanong ni Sarah. Inimbitahan ko siya sa aming bahay ni Neo upang maghapunan. Alam ko namang hindi uuwi si Neo ngayong gabi. At dahil free time si Sarah, inaya ko siya.
"Sarah, ano ang gagawin mo kapag nakita mo ang asawa mong may kasamang ibang babae sa bahay mo?" Balik tanong ko sa kaniya.
"Gagawin ko? Hindi ko alam malamang! Bakla kaya yung kabit ng asawa ko. Tsk. Malamang hindi babae ang dadalhin niya sa bahay."
Sinamaan ko lamang siya ng titig dahil sa kaniyang sinagot sa aking tanong. Pero oo nga naman, hindi pa niya iyon nararanasan dahil bakla yung kabit nang asawa niya. At mayroon pa siyang pagkakataon na siya ang piliin ng asawa niya dahil babae siya. Maaari silang magkaanak ng asawa niya at doon sa bakla ay hindi, imposible. And in my case, maaaring hindi ako ang piliin ni Neo. For Pete's sake! babae ang kabit niya. Magkakaanak sila at maari niya iyong mahalin.
She take a deep breath and say, "Siguro aalamin ko muna kung sino iyon? Baka kasi mamaya sigaw ako nang sigaw sa kaniya kaibigan niya lang pala 'yon, kapatid, o kaya naman ay nakababatang kamag-anak."
"E paano kung sinabi niyang pinsan ka niya doon sa babae?"
"Ewan. Hindi ko pa naman nararanasan na ipakilala ng asawa ko as pinsan niya. Takot niya lang sa akin 'no, jo-jombagin ko talaga siya, promise!"
Mahina akong tumawa dahil sa kaniyang sinabi. Jombagin talaga? Pero ganunpaman ay natututo na siya ng mga beki words ha. Siguro kapag nakikipag away siya doon sa kabit ng asawa niya, beki words gamit nila.
Pero tama siya. Siguro masyado akong overacting at kung ano ano ang iniisip sa mga nangyayari. Baka mamaya kaibigan niya lang yung babae. Ang tanga ko. Bakit ko ba siya pinaghinalaan agad? Baka naman nakababatang pinsan niya lamang iyon. Hindi pa naman kasi ako naipapakilala ni Neo sa buong pamilya niya. Tanging sa Mama at Papa niya lang. Ni hindi ko nga alam kung may kapatid ba siya.
Noong kami kasi nung college pa kami, hindi ako ipinakilala ni Neo sa magulang niya, ni hindi rin ako makapunta sa bahay nila dahil sa condo niya lang ako dinadala. Iyong sa kasal naman namin, sina mom at dad ko lang pati ang mommy and dad niya ang nakasaksi. Gusto niya kasing itago ang pagpapakasal sa akin.
At kung kamag anak niya yung babae kanina sa bahay o 'di kaya kaibigan, bakit hindi man lang siya nag explain? Bakit ipinakilala niya pa ako as his cousin?
Kainis! Sinamahan ko na lang si Sarah na mag-shopping.
3RD PERSON POV
Umupo si Neo sa kaniyang swivel chair. "What is my schedule for today?" tanong niya sa secretary na nakasunod sa kaniya.
Mabilis na tiningnan ng sekretarya ang papel na naglalaman ng kaniyang schedule. "You have a four meetings and two appointments, sir."
"Cancel all my meetings and appointments or re-schedule mo. Ikaw nang bahalang kumausap sa kanila na hindi ako maari ngayong araw."
"Pero, sir. Ten minutes from now ay may meeting ka kay Mr. Alonso from AL corporation."
"Hindi ako pwede. Naiintindihan mo?"
"Yes, sir." Mabilis na tugon ng kaniyang sekretarya.
Hindi siya pwede dahil may plano na siya na uuwi ng maaga para lutuan ang kaniyang asawa. Peace offering na rin dahil sa nangyari kaninang umaga. Alam niya na siya ang may mali. Hindi niya dapat dinala ang kaniyang babae sa kanilang bahay. Noong nakita niya ang sakit sa mga mata ni Safara ay gusto niyang pawiin doon ang sakit ngunit hindi niya magawa dahil siya ang may kagagawan niyon.
SAFARA POV
Past nine na nang napagpasyahan namin ni Sarah na umuwi. His car is inside our garage now, again. Pagpasok ko sa bahay, ang tahimik. Siguro ay natutulog na siya ngayon. Paakyat na ako ng hagdanan nang may narinig akong nagsalita.
"Sana sinabi mo sa ‘kin na maglalandi ka ngayong gabi nang hindi ako umuwi ng maaga."
Napatingin ako sa nagsalita. And i saw Neo sitting on a couch while looking at me. Hindi niya inaalis ang matatalim na titig niya sa akin.
Kusang kumunot ang aking noo. "Excuse me?"
"Tss!"
“Alam mo, kung wala kang magandang sasabihin. Pwedeng huwag ka nang magsalita?"
"Magsasalita ako kung kailan ko gusto, naiintindihan mo ba 'yon?"
Nakagat ko ang ilalim ng labi ko at humugot ng isang malalim na hininga. “Pagod ako, Neo. Please lang, pagod na pagod na ako, Neo.” Pagkasabi ko niyan ay umakyat na ako.
"Safara, i'm talking to you!"
Hindi ko siya pinansin. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko papuntang taas sa kwarto ko. I'm tired, at ayokong makipag sagutan sa kaniya. Pagod na pagod na ako.
Nakarinig ako ng paghulog ng kung ano pero hindi ko iyon pinansin. Neo, sana naman mahalin mo rin ako. Sana ako na lang. Sana ako lang! Hanggang kailan mo pa ba ako sasaktan? Hanggang kailan mo ako pahihirapan? At hanggang kailan kita kayang mahalin?
Nang makarating ako sa kwarto ay mabilis kong sinarado 'yon. Sumandal ako sa pinto. Kung makapagsalita siya akala mo hindi siya naglalandi. Kahit pilit kong isipin na hindi niya babae yung babae na dinala niya rito sa bahay ay hindi ko magawa dahil kahit anong isipin ko ay sa huli, babae niya pa rin.
KANINA ko pa gustong makatulog pero hindi ako makatulog. It's already 2am in the morning. Umupo ako sa aking higaan. Kasalanan itong lahat ni Neo. Hindi ako makatulog.
Lumabas ako ng kwarto at pumuntang kusina. Gusto kong uminom. Ganoon na lamang ang pagka gulat ko ng may nakita akong mga pagkain sa lamesa. Yung iba ay nasa lababo na. Niluto ba ni Neo ang lahat ng ito? Pero never ko pa siya nakitang magluto. He hates cooking! Kaya sino naman ang nagluto nito? Wala naman kaming mga kasambahay. Kaya ba maaga siyang umuwi kagabi? Kasi pinagluto niya ako? Pero bakit niya naman iyon gagawin?
Dahan dahan akong lumapit sa lamesa. May nakita akong papel doon kaya kinuha ko. May nakasulat doon.
Binasa ko iyon.
I'm sorry for being a jerk and a heartless husband. Patawarin mo ako dahil dinala ko ang babae ko dito sa bahay natin. Alam ko, hindi ko dapat iyon ginawa dahil bahay natin 'to. Huwag kang mag alala, hindi ko na ito uulitin. Safara, pwede ba kitang maging kaibigan? Sa tagal nating magkasama ay para na kitang kapatid. Siguro nga mahal kita. Pero bilang isang kaibigan at kapatid lamang.
Hindi ko alam pero parang biniyak ng ilang piraso yung puso ko sa huling nabasa ko. Pwede ba kitang maging kaibigan? Siguro nga mahal kita. Pero bilang kaibigan at kapatid lang. Mabilis kong hinawi ang luhang pumatak sa pisngi ko. Pagak akong natawa. I'm so stupid. Palagi na lang akong nasasaktan.
Totoo pala ‘yon. Na ‘yung asawa mo tingin lang sa 'yo hanggang kaibigan lang. Yung wala ng pag asa pang masuklian ang pagmamahal na ibinibigay mo. Pero ginawa ko naman ang lahat. Ibinigay ko sa kanya ang lahat para mahalin niya rin ako. Ano pa bang kulang?
"Safara,"
Lumingon ako sa nagsalita. It's Neo. Mabilis kong pinunasan ang luha sa aking mata. "Ano'ng ginagawa mo rito? Maaga pa."
"I'm thirsty. How about you?" Blanko lang ang kaniyang ekspresyon.
"Nauuhaw din ako kaya bumaba ako para uminom pero huwag kang mag alala paakyat na rin ako."
Pumunta si Neo sa refrigerator at kumuha ng tubig sa pitsel. Kumuha siya ng baso at naglagay ng tubig doon at uminom.
Pagkatapos niyang uminom ay nagsalin siya ng panibagong tubig sa baso at ibinigay sa akin. Saglit ko iyong tinignan.
"Nauuhaw ka 'di ba?" He asked. Tumaas ang kilay niya at ginalaw ang hawak na baso. "Kunin mo na nangangalay ako."
Mabilis ko iyong kinuha. "S-sorry. Thank you."
Wala siyang naging tugon.
Uminom na ako. Inilapag ko sa mesa ang baso pagkatapos kong uminom. Napansin kong nakatingin si Neo sa kamay ko. Kaya mabilis kong itinago sa bulsa ng short ko ang sulat niya but it's too late.
"About the paper. Gusto ko sanang mag divorce na tayo,” sabi n’ya. " At maging magkaibigan na lamang."
Umiling ako. “Neo, alam mong hindi ako papayag.”
“Kaya nga pinapaalam ko na sa ‘yo, nang hindi ka magulat isang araw ay makikipag divorce na ako sa ‘yo, Safara.”
"Neo, ayos lang naman sa ‘kin na hindi lang ako ang babae mo. It's okay, Neo. Hindi kita pakikialaman sa babae mo. Pero huwag mo akong i-divorce. Gawin mo na ang lahat. Hilingin mo na ang lahat. Huwag lang ang divorce, Neo, please…”
"You’re crazy." Kumunot ang perpekto n’yang noo.
"Oo. Siguro nga baliw na ako. Binabaliw mo ‘ko, Neo.”
“Hayaan mo na lang kasi ako, Safara.”
Umiling ako sa sinabi n’ya. “No, Neo. Gan’to na lang, you can do whatever you want. Hahayaan kita sa kung ano ang gusto mo. Yung babae’ng dinala mo rito, gusto mo? Gusto mo siya di ba? Naiintindihan ko. Di-distansya ako sa inyo."
"f**k! Alam mo ba kung ano ang sinasabi mo? Gusto mo bang palabasin na gawin ko s’yang kabit? Safara, hindi ganoong tao si Mara."
"Pero ‘yon ang tama. ‘yon ang tama, ‘di ba? Alam mo ‘yan Neo. Hangga’t kasal ka sa ‘kin. Hinding hindi magiging maganda ang pagsasama niyo ng kabit mo."
"Hindi ko kabit si Mara."
"Hindi nga ba? E ano ba siya ngayon? Asawa kita pero girlfriend mo siya. Hindi ba kabit ang tawag doon?"
"Damn it! Stop saying bullshit to her. You don't know her."
I don't know what to do. Kumbinsido siyang makipag hiwalay sa akin. Paano 'to? Hindi siya pwedeng makipag hiwalay sa akin. Ayoko.
"Neo, please! Just please! Huwag mo lang akong i-divorce. Ayos lang sa akin kung may babae ka. Ayos lang kahit kanino. Basta sa akin ka uuwi. Akin ka lang, please! Neo, please! Don't file a divorce!"
"Safara, i don't love you. Si Mara ang mahal ko at ayokong masaktan pa kita. Parehas lang natin pinahihirapan ang sarili natin. Mas mabuti kung maghiwalay na lang tayo."
"Neo, hindi ko kaya. Hindi ko kaya na mawala ka sa akin. Mahal kita, mahal na mahal kita. Huwag mo namang gawin sa akin 'to."
"Safara, hindi ito tama. Eto ang hindi tama. Pwede naman tayong maging magkaibigan. Pero hindi ko kayang mahalin ka sa paraan na gusto mo, i'm sorry."
"I don't want to be your friend, Neo. Ayaw ko." Mariin kong sabi. Pinunasan ko ang luha sa aking mata. Hindi ko kaya. Nasasaktan ako ng sobra sa lahat ng kaniyang sinasabi.
"E iyon naman pala e, then lets divorce."
"Ayaw ko." Pagmamatigas ko. "Ayaw ko, Neo. Ayaw ko." Para akong batang pinapaalis ng magulang pero nagsusumiksik dahil ayaw kong umalis. "Hindi ako makikipag divorce sa 'yo, Neo."
"Bullshit!"
HINDI na ako makatulog matapos ang aming sagutan ni Neo.
"Safara, ang aga aga pa," saglit siyang tumigil. "5:14 am pa lang. Napatawag ka?"
"S-sarah..."
"Safara, umiiyak ka ba?"
"Kinausap na ako ni Neo tungkol sa pakikipag diborsiyo..."
"O, edi maganda! Makipag divorce ka na sa kaniya."
"H-hindi ko kaya, Sarah. Hindi ko kaya na makipag divorce sa kaniya." Mabilis kong pinunasan yung luha ko. Sa tuwing binabanggit ko ang divorce parang pinipilipit yung puso ko.
"Ano'ng gagawin mo ngayon? Kinausap ka na. Gusto na niya ng divorce."
"Kung mababalik ko ba si Nile? Sarah kung mababalik ko ba siya hindi na niya ako ididivorce?"
"Huwag kang gaga! Alam nating dalawa na hindi na mababalik ang anak niyo. Kung gusto niya nang makipag hiwalay, makipag hiwalay ka. Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa kaniya. Huwag mong ubusin 'yang pride mo. Huwag mong ubusin ang p********e mo ng dahil lang sa kaniya. Lalaki lang siya at marami pa diyan sa paligid mo na lalaki."
"Pero, Sarah, mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya."
"Ang tanga tanga mo, Safara. Gaga ka."
"Sarah!" Hindi ko na mapigilan ang luha ko. "Lalo mo akong pinapaiyak."
"Gusto ko lang ipa-realize sa 'yo na tama na. Tama na ang pagiging tanga mo sa kaniya. Tama na kasi sobra ka nang nasasaktan, Safara. Maging masaya ka naman."
"Sasaya lang ako kung mamahalin niya ako."
"'Yon naman pala e. E di magpakamartir ka. Patayin mo 'yang sarili mo sa sakit dahil diyan kay Neo, Safara. Naiintindihan mo ako? Mahalin mo siya. Ewan ko lang kung hindi ka mabaliw diyan sa pagmamahal mo kay Neo kung puro sakit lang ang dinudulot niya sa 'yo."
"Sarah..."
"Hindi ako galit, Safara. Masyado ka kasing tanga diyan sa asawa mo. Alam ko 'yang nararamdaman mo dahil naramdaman ko 'yan noon kaya suporta ako sa 'yo diyan. Pero minsan, maiisip mo na sumuko na lang katulad ko."
"Sa tingin mo, susuko ako sa kaniya, Sarah?"
"Yes. Katulad ko, Safara. Dahil hindi sa lahat ng oras ay kaya natin magpakatanga sa isang lalaki. Pero kahit anuman ang desisyon mo, suporta pa rin ako sa 'yo. Hihintayin ko na lang na ma-realize mo na ang gaga mo. Na ang tanga mo dahil pumatol at nagpakamartir ka sa lalaking 'yan, Safara. At sana manalangin ka. Huwag mong kalimutan na nandyan pa ang diyos. Gagawa siya ng paraan kung kayo talaga. Always pray, Safara. Huwag mong kalimutan ang ama.”
"Thank you, Sarah."
“Tawagan mo lang ako kung may problema ha? Huwag mong sayangin ang buhay mo sa lalaking ‘yon. Okay?”
“Oo naman.”
Sarah's ended the call.
Hindi pa naman siguro huli ang lahat para bumalik sa ama. Aaminin ko, unti unti na nga akong nawalan ng tiwala sa panginoon. Kaya siguro nangyayari ang lahat ng ito sa akin ay dahil unti unti ko na siyang tinatalikuran. Nakalimutan ko na rin ang manalangin. Iyon lang naman ang solusyon sa problema pero kinalimutan ko na. Hindi pa naman siguro huli ang lahat upang magbalik loob sa panginoon.
NEO POV
"Ginawa ko, Enrico. Kinausap ko siya. Sinabi ko sa kaniya na ididiborsiyo ko siya pero ayaw niya. Anong gusto mong gawin ko? Hindi ko siya madidiborsiyo hangga't tutol siya at wala ang kaniyang pirma."
Si Enrico ang tinawagan ko dahil alam kong siya lamang sa kanilang tatlo ang higit na makakatulong sa problema ko.
"Bakit ka ba kasi nagmamadali? Mahal ka niya at alam kong mahirap para sa kaniya iyon kaya huwag mo siyang madaliin."
"Hihiwalayan ako ni Mara kung hindi ko pa siya madidiborsiyo. Gusto ni Mara na pakasalan ko siya sa lalong madaling panahon. Gusto ko rin pero habang kasal kami ni Safara ay hindi mangyayari 'yon, Enrico."
“Neo, bakit hindi mo pakinggan ang magulang mo? Pera lang ang habol sa 'yo ni Mara."
"Pati ba naman ikaw?"
"Hindi sa sinisiraan ko si Mara kaso kahapon nang nag date kami ng asawa ko sa mall nakita ko siya na may kasamang ibang lalaki."
"So, ano 'yong gusto mong palabasin 'tol? Na niloloko lang ako ni Mara?"
"Hindi sa ganoon."
"Baka naman kaibigan niya lang 'yong lalaki."
"May magkaibigan ba na naghahalikan?"
"Akala ko ba ay nag date kayo nang asawa mo? E bakit parang si Mara ang pinagtuunan mo ng pansin?"
"Concern lang ako sa 'yo 'tol."
"Hindi magagawa sa akin ni Mara ang binibintang mo sa kaniya."
"Bahala ka. Paniwalaan mo kung alin ang gusto mong paniwalaan. Payo lang, sana hindi mo pagsisihan ang pag diborsiyo mo sa asawa mo. Alam nating dalawa na masama ang makipagdiborsiyo. Tinali kayo sa harap ng diyos. Huwag mo sanang kalimutan ang ipinangako mo kay Safara sa harapan ng panginoon. And dude, Safara's almost perfect. Kung wala lang akong asawa ay siya na siguro ang pipiliin kong mapangasawa."
Kumunot ang noo ko. Umiling ako at pinatay na ang tawag. Bullshit! Kung wala siyang asawa si Safara na lang ang aasawahin niya? Gago! Asawahin niya kung gusto niya. Tinignan ko yung cellphone ko nang tumunog ito.
Mara's calling...
SAFARA POV
KINABUKASAN...
Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa ni Neo.
"Pupunta mga college friends ko dito sa bahay." Wika ko.
Tiningnan niya lang ako saglit at tumayo na. Inayos niya ang kaniyang kurbata. "I'm going," he said cold.
Humugot ako ng isang malalim na hininga. He's always being like that since that day. He's been cold. So cold. Napahilamos na lamang ako ng mukha. Hanggang kailan niya ba ako paparatangan ng ganiyang klaseng pakikitungo? Hanggang sa pumayag ako sa hinihingi niya divorce? Well, hinding hindi iyon mangyayari kung sa tingin niya ay ganun.
"GOSH! Nakakainggit ka talaga!" Impit na sigaw ni Janna, one of my college friend. "Dati, pinapangarap mo lang na maging asawa ni Neo tapos ngayon? Asawa mo na siya!"
Ngumiti na lamang ako sa kaniya. Nakakaproud pero alam ko naman kung ano na kami ni Neo. Baka bukas ay divorce na kami. Pero hindi ako makakapayag.
Apat lang sila na pumunta. Si Janna, si Hyden, si Brezi at si Lorenzo. Tapos meron pa daw isa na paparating. Nasa sofa kami. Kwentuhan lang kami ng kwentuhan sa mga nangyari sa buhay namin. Hindi pa rin sila nagbabago, madadaldal pa rin sila.
Biglang may nag doorbell sa labas. Ito na siguro yung tinutukoy nila Janna. Tumayo ako sa pagkaka upo ko. "Ako na ang magbubukas" tinanguhan lamang nila ako at nag diretso na sila sa pag uusap. Hindi naman halatang na miss nila ang isa't isa.
Pagbukas ko ng gate, ganoon na lamang ang gulat ko sa lalaking nakatayo sa harap ko.
"Safara,"
"What are you doing here? Hindi ba ang sabi ko sayo lubayan mo na ako, Kezz?"
Tumaas ang gilid ng kaniyang labi. "Hindi ikaw ang ipinunta ko dito, Safara"
Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. "Then what are you doing here? In my house? Seriously, Kezz?"
Magsasalita na sana siya ng may biglang nagsalita sa likod ko.
"O Kezz pare, nandito ka na pala, kanina ka pa namin hinihintay"
Lorenzo? Oh god! Don 't tell me, Lorenzo invited him?
"Ah, Safara. Inimbita na namin siya tutal naging kaklase rin naman natin siya nung College."
Pumasok sila sa loob at naiwan akong tulala.
Kaklase? Kaklase ko si Kezz dati? Who is he? Hindi ko alam na naging kaklase ko siya noon. Sino ka ba talaga Kezz? Bakit mo ako ginugulo?
Hindi ako makapag concentrate nang maayos sa tuwing nagsasalita. Naiilang ako. Dahil pakiramdam ko ay hindi inaalis ni Kezz ang titig niya sa akin. Dahil sa tuwing titingin ako sa kaniya, naaabutan ko ang malagkit na titig niya sa akin.
"Yes. That time, hindi ko akalain na magiging ganyan kaguwapo si Kezz. Siya kaya yung nerd, tabachoy, at yung laging binubully noon. Di ba?"
Nakikinig lang ako sa kanila. Kaya pala hindi ko siya mamukhaan. Sobrang nagbago ang kaniyang mukha kung ganoon.
"So mag kwento naman kayo sa amin.” ani Janna.
"Nagkita na pala kayo sa states." Si Brezi.
Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko siya magsalita. Ano bang kasalanan ko at nangyayari sa akin ito? Bakit ba kasi hinayaan kong mangyari iyon noon? Kezz, nakokonsensya ako. May asawa ako. Pero nagawa kong makipag isang panig kay Kezz. I'm stupid! Siguradong kapag nalaman ito ni Neo ay pandidirihan niya ako.
Nagsisisi ako na nakipagtalik ako kay Kezz noon. Lasing ako noon, for gods sake, hindi ko alam ang ginagawa ko noon. O sadyang wala naman talagang nangyari sa amin noon ni Kezz. Crap! Kailangan ko siyang tanungin tungkol doon. Kailangan kong malaman ang totoo kung may nangyari nga sa amin o wala.
Isa isa nang nagsiuwian ang mga kaibigan ko noong College. Meron pa daw kasi silang gagawin sa kani kanilang bahay at baka hinahanap na rin ng mga asawa nila. Sabi ko naman kasi sa kanila na isama na lang nila ang mga asawa nila.
"I'm tired," ani Kezz at nahiga pa sa sofa.
"Bakit hindi ka pa umaalis?” tanong ko sa kaniya. “Naka alis na silang lahat."
Ano pa ba ang ginagawa niya dito?
Saglit niya akong tinitigan. "Why? Don't you miss me, babe?"
"Kezz, please, get out. Stop this."
"Hindi ako titigil hangga't hindi ka mapasakin. Akala ko ba okay tayo? Di ba sabi ko gagawin ko ang lahat makalimutan mo lang siya? Bakit mo ako iniwan ng basta basta noon? Ni hindi ka man lang sumagot sa mga tawag ko! Alam mo ba kung gaano ako katanga sa kahahanap sayo!? Damn! This is the first time i felt this damn feeling tapos sasabihin mo iwasan na kita? Para saan pa yung nangyari sa atin last year ago?"
Natulala ako sa haba ng sinabi niya sa akin. "Sinabi ko ba na hanapin mo ako?" Mahina ang boses ko pero tama lang na marinig niya. Natawa ako ng mapakla sa huli niyang sinabi. "And what? Kung anuman ang nangyari sa atin last year ago kezz that was a one night stand. Alam mo yun!"
"But it was different! Iba ang atin Safara. You know how much i love you that time pero hinayaan mong may mangyari sa ‘ting dalawa. Na alam mong hindi ko kayang makalimutan."
"Kezz please, may asawa ako."
Tumayo siya sa kinahihigaan niya at lumapit sa ‘kin. Hinawakan nito ang kamay ko. "I know and I don't care. Wala akong pakialam basta kasama kita. Safara gagawin ko lahat, para bumalik ka ulit sa ‘kin."
Dahan dahan n’yang nilapit ang kan’yang mukha sa ‘kin. Hindi ko alam kung bakit hinayaan kong dumampi ang labi niya sa akin. Hinayaan ko siyang halikan ako.
Lumalim ito hanggang sa bitawan niya na ang kamay ko at hinawakan niya ang ulo ko at idiniin sa kaniya para mas lumalim ang halik niya sa akin.
"Safara,"
Huminto ako sa pagtugon ng paghalik ko kay Kezz at gano’n din si Kezz ng makarinig kami ng boses. Mahina lamang ito pero sapat na para marinig namin. At alam ko kung kanino galing ang boses na ‘yon. Kilalang kilala ko ang nagmamay ari ng boses na 'yon.
It's Neo!