"Magiging Okay na po ang lahat once the expansion will be done." "Kaya ako hanga sayo. You are very good in Business. Salamat Ija." Rinig na rinig ko ang paguusap ni Dad at ni Aubrey ang nakakatandang kapatid ni Ron. Ilang taon lang ang alam kong agwat nila pero sa tono ng pananalita nito at sa istilo niya sa pamamalakad ng kompanya nila ay parang ang tanda tanda na niya. Maganda ang kapatid ni Ron. Elegante manamit at parang high standard sa lahat ng bagay. Kasalukuyan akong Tinutulungan ng assistant ng may ari ng shop na isuot ang damit ko. Inaayos nito ang likoran ko habang nakatitig ako sa salamin. My dress is very beautiful pero hindi ko magawang ngumiti. Ayaw ko sa kasalan na ito at kahit anong gawin ko mukhang hindi na ako makakatakas dito. Binuksan ng babae ang curtain. I step

