"Gloria ka O dyos..." Napatigil kami ni Rowin sa pagkakanta ng nangibabaw sa pandinig namin ang pagtatalo ni Jake at Tyron Napatingin kami sakanila na pinag sasalitan si Nyda sa pagkarga. Pero hindi matigil tigil ang pagiyak ni Nyda. Bakas sa mukha ni Tyron ang pagka lito at pagaalala. "Naiinitan to Pre." Binuhat ito Jake. Samantala ay kumuha ng Pamaypay si Tyron at pinaypayan si Nyda. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo. Kanina pa tayo labas pasok ng Simbahan ah. Tumigil ka na Please?" Pakikiusap ni Tyron kay Nyda. "Makikisimba na nga lang tayo magkakasama parin kasi." Napailing iling na sabi ni Gab habang nakatuon ang atensyon sa Misa. "Alangan naman na iwan ko si Nyda sa mga katulong eh day off nila ngayon." Sabi naman ni Tyron. Napatiningin na sa amin ang mga taong malapit sa k

