UNEDITED CHAPTER 9 Anong gagawin ko?! Sinong sasamahan ko? Waaah nababaliw na ako. Sabi pa ni kristine nang makausap ko siya kagabi, pumili nalang daw ako ng isa kung sino sasamahan ko. Pero ayoko! Paano kung kay Bam ako sasama paano nalang si cedie diba? Ngayon lang kaya nag aya si cedie sa akin. Naiiyak ako ~T_T~ “Maam Yana, may naghahanap po sa inyo sa labas.” Atomatiko akong na pa bangon sa kama ako at lumapit kay yaya. “I-ilan po… ilan po? Isa lang ba?dalawa?” Kinakabahang tanong ko. “Dalawa pong gwapong lalaki,” nakangiting sagot ni Yaya at lumabas sa kwarto ko. Napaupo ako sa sahig. Waaaah! Anong gagawin ko! Sandali! Baka mag tanongan sila sa labas hindi nila pwede malaman. Nagmadali akong lumabas sa kwarto ko at tumakbo palabas ng bahay. Napahinto ako nang makita ko s

