CHAPTER 8 WHAT SHOULD I DO? “Ano yung nakita namin kanina?!” si Ella. “B-Bakit kayo nag kikiss? Uwaaah!” parang naiiyak na sabi ni Kristine. “Totoo ba ‘yung nakita namin, o nag ha-hallucinate lang kami? Tapatin niyo kami!” sabi naman ni Ailyn. Napahawak ako sa aking noo. Nakayuko lang ako ngayon at hindi makapagsalita. Habang tahimik akong nakayuko ngayon at hindi nagsasalita, nagulat na lang ako nang hawakan ni Bam ang aking kamay kaya nag angat ako ng tingin sa kanya habang nanlalaki ang aking mga mata. Tumingin siya sa akin at nginitian niya ako bago siya humarap sa aming mga kaibigan at nginitian niya rin sila Kristine bago siya magsalita. “Guys, this is the right time… girlfriend ko talaga si Rhianna,” pag-amin ni Bam sa relasyon naming dalawa. Narinig ko ang pagsinghap

