CHAPTER 7 KISS “Loves! Wait lang!” Natigil ako sa aking paglalakad ng marinig ko ang boses ni Bam. Humarap naman ako sa kanya at tinignan ko siya ng seryoso. “Ano?” “Isasama kita sa binyag ng pamangkin ko!” Nanlaki ang aking mga mata ng sabihin ‘yun ni Bam sa akin. “H-Huh? Anong pinagsasabi mo diyan?” “Next week kasi ang binyag ng anak ni Ate Clarke at Kuya Finn. Gusto kitang isama at ipakilala sa pamilya ko. Excited na rin silang makita ka!” nakangiti na sabi ni Bam. Hindi ako nakagalaw at nanlalaki pa rin ang mga mata ko sa gulat ng sabihin niya ‘yun. Lumapit si Bam sa akin at hinalikan niya ako sa aking pisngi. “Bye, loves! Kita na lang tayo sa classroom mamaya. Basta ‘yun ah? Mag white dress ka na lang!” sabi niya at tumakbo na siya palayo sa akin habang ako naman ay

