HAIDE 5
Maaga akong nagising dahil ngayon ang araw ng pag luwas namin ni Ana Mae patungo'ng Manila. Nakasuot ako ng kupas na t-shirt at maong na pantalon. Mabuti kasya pa ang pantalon ko at doll shoes. Sinusuot ko pa ito nuon habang nag-aaral ako. Tinago ko lang dahil hindi ko na ginagamit. Inasikaso ko muna ang almusal ng mga kapatid ko. Pagkatapos ko'ng magluto. Ginising ko sa sila para sabay sabay na kaming kumain at para makapunta na kami sa bahay ni Ana Mae. pagkatapos namin kumain. Si Rose at Rina ang nagligpit at naghugas ng aming pinagkainan.
"Rose, Rina, kayo na muna ang bahala sa dalawa niyong kapatid huh? At ang mga bilin ko sa inyo tandaan niyo. Puntahan niyo dito pa minsan-minsan ang bahay para linisan. Tom huwag pasaway kay Aling Glorya huh? At kapag may trabaho si Ate Rose at Ate mo Rina bantayan mo si Mara. Okay ba?" Kausap ko sa mga kapatid ko.
"Opo Ate , tandaan namin lahat na mga bilin mo. Basta mag-ingat ka din duon Ate." Sambit ni Rose.
"Huwag ka mag-alala Ate, kami ni Ate Rose ang bahala kay Tom at Mara. Basta mag-ingat ka duon Ate, huwag masyadong magpa pagod at magpa gutom." Sambit naman ni Rina.
"Opo! Ate, Susunduin ko lahat na utos ni Ate Rose at Ate Rina. Alagaan ko si Mara. Mag-iingat ka duon Ate. Basta Ate ang promise mo na bibili kami ng manok huh?" Sad naman ni Tom. Kaya nagtawanan kami dahil hindi niya talaga makalimutan ang manok.
"Shiken Ate, lab yuh Ate. Ngat Te." Nabubulol naman na sambit ni Mara. Ready na ang lahat na gamit namin para sa pagpunta sa bahay ni Aling Glorya. Niyakap ko muna sila habang pinipigilan ang aking sarili na huwag maiyak. Pagkatapos lumabas na kami ng bahay upang tumungo sa bahay ni Aling Glorya. Pagdating namin sa tppat ng bahay ni Aling Glorya tinawag ko si Ana Mae. Maya-maya bumukas ang kanilang pinto at pinapasok kami. Katatapos lang din nilang kumain. Mamayang alas tres pa naman ang sakay namin sa barko. Ngunit kailangan maaga kami makarating sa pantalan.
"Haide huwag kang mag-alala sa mga kapatid mo, ako ang bahala sa kanila. Alam mo naman na parang mga anak ko na rin kayo. Matagal ko na nga sinasabi sa'yo na dito nalang kayo pero ayaw mo naman." Turan ni Aling Glorya . Totoo naman kasi na matagal niya na ako'ng sinabihan na sa bahay nila kami titira pero nahihiya ako. Baka kung ano pa ang sabihin ng kanyang kamag-anak. Bumaling naman si Aling Glorya sa mga kapatid ko.
"Mga anak simula ngayon Mama na ang itawag niyo sa akin. Alagaan ko kayo." Saad ni Aling Glorya sa mga kapatid ko.
"Salamat po Mama." Magkasabay na sagot ng mga kapatid ko.
"Best friend tara na?" Yaya sa akin ni Ana Mae.
"Ate!" Magkasabay na wika ng mga kapatid ko na umiiyak. Kaya ang kanina ko'ng pinipigilan na mga luha hindi ko na mapigilan. Hinaplos ko ang kanilang mga ulo habang kayakap ko sila. Buhat naman ni Aling Glorya si Mara na umiiyak din.
"Ate, ma-miss ka namin. Mahal na mahal ka namin Ate." Magkasabay nilang sabi.
"Mahal na mahal din kayo ng Ate. Kaya nga magtrabaho si Ate para sa inyo. Kaya tandaan niyo lahat ng bilin ni Ate huh. Para hindi malungkot si Ate. Hayaan niyo kapag dumating kami ni Ate Ana Mae niyo sa Manila. Kung mabait ang mga kasama ko. Hihiram ako ng cellphone para makatawag kay Aling Glorya upang makausap ko kayo. Kapag maka sahod na ako, binili kayo ng cellphone para palagi tayong mag-usap. Kaya tama na, huwag na kayong umiyak. Gusto niyo ba na malungkot si Ate?" Malambing ko'ng tanong sa kanila.
"Hindi Ate, pangako Ate ,hindi na kami iiyak." Sambit nila at pilit na ngumiti kahit may lumalabas pa rin na mga luha sa kanilang mga mata. Naramdaman ko nalang na yumakap din si Aling Glorya at Ana Mae sa amin.
"Mama kayo na muna ang bahala sa mga kapatid namin ni Haide huh. Saka huwag ka ng pumunta sa ibang bahay para mag chismis. Baka pagbalik namin dito ni Haide chismosa na rin ang mga kapatid namin ni Haide." Pagbibiro ni Ana Mae kay Aling Glorya. Kaya tuloy nakatikim ng batok sa ulo si Ana Mae.
"Baliw kang bata ka! Anong akala mo sa akin chismosa? Hala lumayas ka na?" Pagbibiro din ni Aling Glorya ngunit pinipigilan din na umiiyak. Dahil garalgal na rin ang kanyang boses.
"Aling Glorya maraming salamat po talaga. Kapag naka sahod na ako Aling Glorya ipadala ko lahat sa inyo." Ani ko.
"Sus jkaw na bata ka, huwag ka'ng mag-alala sa mga kapatid mo. Alagaan ko sila na parang mga anak ko. Basta mag-ingat kayo ni Ana Mae sa byahe at sa Manila. Ka-awaan kayo ng ating panginoon. At alam ko rin na ginagabayan ka ng mga magulang mo." Saad ni Aling Glorya. Nagyakapan muli kaming lahat at gumayak na kami ni Ana Mae palabas ng bahay. Nakatayo lamang ang mga kapatid ko at si Aling Glorya na buhat niya sa Mara habang palabas kami ni Ana Mae.
"Ba-bye, Ate Haide, Ate Ana Mae. Ingat po kayo!" Paalam nila sa amin n'ong sumakay na kami ni Ana Mae sa trysikel. Upang pumunta sa sakayan ng dyep patungo sa pantalan ng barko.
"Ba-bye." Magkasabay din namin na sambit ni Ana Mae.
"Best, sana mabait ang mga amo ko nuh? Sana mga mabait din ang mga kasamahan ko." Turan ko habang nakaupo na kami ni Ana Mae dito sa loob ng waiting area para maghintay ng pag-alis ng barko. Hinawakan naman ni Ana Mae ang aking kamay at pinisil.
"Best mga mabait sila, nakasama ko na rin minsan ang katulong ni Donya Mila. Mabait din si Donya Mila kaya huwag ka'ng mag-alala. Lagi naman kitang dalawin duon. Malapit lang naman ang bahay ng amo ko sa bahay ng amo mo. Kaya laban lang para sa kinabukasan ng mga kapatid mo best. Laban lang tayo! Aja!" Masiglang turan ni Ana Mae. Kaya kahit kinakabahan ako pilit akong ngumiti sa harapan ni Ana Mae.
"Aja para sa pangarap ng mga kapatid ko!" Nakangiti kong sabi.