HAIDE
Unang beses ko'ng nakasakay sa barko kaya sobrang takot ko kanina. Iniisip ko na baka malunod kami paano nalang ang aking mga kapatid? Medyo nahihilo ako at pakiramdam ko masusuka ako parang naluluha at parang dinuduyan. Mabuti nalang hindi natuloy ang aking pag susuka. Kung nagkataon nakahihiya sa mga kasamahan ko dito sa higaan, nasa itaas pa naman ako.
"Hoy!" Best friend anong iniisip mo?" Bulong ni Ana Mae sa aking tainga. Kaya napa iktad ako sa aking hinihigaan. Nasa ilalim ang kanyang higaan. Hindi ko manlang namalayan na naka sampa na pala siya sa aking higaan.
"Bestfriend nanggugulat ka naman?" Ani ko ko.
"Nakatulala ka kasi bestfriend. Iniisip mo ba ang mga kapatid mo? Diba sinabi ko naman sa'yo na huwag mo muna silang isipin? dahil hindi naman sila pabayaan ni Mama. Saka malapit na tayo na daongan ng barko sa Manila kaya mag-ayos na tayo." Saad ni Ana Mae. Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko namalayan. Kunsabagay wala aman akong alam saka nakapikit lamang ako simula n'ong sumakay na kami ng barko.
"Salamat best friend. Pasensya ka na hindi ko talaga maiwasan." Ani ko at bumangon na ako para ayusin ang gamit ko. Wala naman akong maraming dala dahil puro luma na ang aking mga damit at mga sampong piraso lang yata. Nag suklay ako ng aking buhok at tinali. Saka pumunta muna ng banyo para mag hilamos at mag toothbrush. Pagbalik ko kay Ana Mae sinabi niya na nasa pantalan na kami. Kaya hintayin nalang namin na maka baba na kami. Nasa labas na daw ang sundo namin na driver ng kanyang amo. Sasama daw muna ako sa bahay ng amo niya at duon matulog ng isang gabi. Bukas daw ako susunduin ng driver ng amo ko dahil wala si Donya Mila sa kanilang bahay. Sa sunod na buwan pa naman daw darating ang totoo kung amo. Nang sinabi ni Ana Mae na kailangan na namin bumaba nakadikit lamang ako sa kanya dahil wala akong alam sa pasikot-sikot sa Manila. Mahigpit ang kapit ko sa damit ni Ana Mae dahil sa takot. Masyadong maraming tao at ang ingay ng paligid at puro usok ng iba't-ibang sasakyan. Nagsiksikan at parang nagmamadali ang bawat kilos ng mga tao.
"Best friend ganito pala sa Manila? Ang ingay at ang usok. Tapos ang ibang mga tao nakakatakot." Bulong ko sa aking kaibigan. May na nakahubad kasi at puro drawing ang kanilang mga katawan. Ang haba pa ng mga buhok kahit mga lalaki naman at ang mga papayat pa at naninigarilyo. Tumawa naman si Ana Mae sa akin at mabilis ang kanyang mga hakbang.
"Ganito talaga dito, kaya masanay ka na? Pero duon sa lugar ng mga amo natin. Hindi naman ganito kasi nasa subdivision ang kanilang mga bahay. Puro mga mayaman ang nakatira duon at ang lader ng kanilang mga bahay ang taas. Kaya tara na, hanapin na natin anng driver ni Dok" tumango ako sa sinabi ni Ana Mae at kumapit ng mahigpit ng nadaanan namin ang lalaki na puro may drawing sa katawan.
"Tatay, Ramon! Nandito po kami." Sigaw ni Ana Mae sa nakatalikod na lalaki na nakatayo katabi ng isang magarang sasakyan. Kumikinang pa ito at parang mamahalin. Humarap naman ang isang lalaki na hindi naman gaano ka tanda. Ngumiti siya kay Ana Mae at kumaway.
"Bestfriend siya ang driver ni Dok. Halika, ipakilala kita kay Tatay Ramon. Mabait siya at parang Tatay ko na rin. Matagal na siyang driver ni Doktor Valdez." Pagkwento ni Ana Mae sa akin habang palapit kami sa sinasabi niyang si Tatay Ramon. Nang makalapit na kami, kinuha ni Tatay Ramon Ang dalang bag ni Ana Mae at nilagay sa likod ng sasakyan. Kukunin sana niya ang hawak ko.. Pero sinabi ko na ako nalang ang magdala. Nakahihiya naman sa kanya.
"Tatay, Ramon! Kanina pa po ba kayo? Pasensya na po kung natagalan kami. Siya nga po pala Tatay Ramon. Ito po ang kaibigan ko, si Haide po. Siya ang mag ta-trabaho kay Donya Mila." Pagpa kilala ni Ana Mae sa akin. Ngumiti ako kay Tatay Ramon at kumaway.
"Bestfriend, siya po si Tatay Ramon. Driver ni Doktor Valdez."
"Welcome sa Manila Iha. Napaka ganda mo'ng bata. Parang hindi sa'yo bagay ang maging katulong. Bakit parang ang bata mo pa iha? Tatay Ramon na rin ang itawag mo sa akin." Pagbati at tanong ni Tatay Ramon. Kimi naman akong ngumiti sa kanya.
"Sus! Tatay Ramon. Ako lang pala ang bagay na maging katulong ganun?" Tampo-tampohan na tanong ni Ana Mae. Kaya ginulo ni Tatay Ramon ang kanyang buhok.
"Ikaw talaga na bata ka! Syempre matagal ka ng nagtrabaho kay Doktor. Diba n'ong una kitang nakita, ganun din ang sinabi ko sa'yo?" Natatawa na saad ni Tatay Ramon. Kaya napakamot nalang sa kanyang ulo si Ana Mae.
"Hello po Tatay Ramon. Salamat po!" Magalang kong sabi.
"Ana Mae, iha halika na kayo at medyo mainit na. At baka gutom na kayo malayo pa naman ang naging byahe niyo." Yaya sa amin ni Tatay Ramon kaya pumasok na kami sa loob ng sasakyan. Nagkwentuhan kami habang nasa byahe. Ang gaan kausap si Tatay Ramon. Parang nabuhay ang tatay ko. Na i-kwento ko din sa kanya ang buhay ko. Kaya sinabi niya na laban at manalig lang sa panginoon dahil ang lahat na sakripisyo ay may hangganan. 20 minutes na byahe namin nakarating kami sa isang magandang subdivision. Mahirap pala makapasok kung walang I'd ang papasok. Pinakita pa ni Tatay Ramon at Ana Mae ang kanilang I'd. Dahil bago pa lang ako nag perma nalang ako sa papel.
"Ganito talaga dito bestfriend. Hindi ka makapasok o makalabas kapag walang I'd o di kaya, walang tawag galing sa mga amo natin kung walang I'd. Kaya sobrang safe dito sa loob." Paliwanag ni Ana Mae sa akin. Pagpasok ng sasakyan sa loob ng subdivision. Napaawang ang aking labi at nanlaki ang aking mata sa nakita. Sobrang laki at ang ganda ng mga Bahay. Parang mga palasyo na sa television ko lang mapanuod. Ngayon nakapasok na ako. At isa sa mansyon dito ako magtrabaho. Parang na excite na ako kung saan ang bahay ng amo ko. Pagdating namin sa isang mataas at malaking gate. Bigla itong bumukas kahit wala naman nag bukas.
"Grabi bestfriend high tech ang gate. Nag bubukas lang kahit mag-isa lang siya." Wala na loob kong sabi. Narinig ko naman na tumawa si Tatay Ramon.
"Ganito talaga dito ang mga gate bestfriend. Lalo na sa bahay ng amo mo. Magsasalita ka lang sa monitor magbubukas kaagad." Bulong ni Anna Mae. Pumasok na ang sasakyan ni Tatay Ramon. Kung sa labas sobrang ganda na. Mas lalo sa loob ang lawak lawak ng kanilang bakuran.
"Grabi bestfriend ang Ganda. Parang nasa ibang bansa lang ako. Ang ganda sobra bestfriend. Kapag naka hanap ako ng Afam, ganito din ang bahay na ipatayo ko." Magiliw kong saad kay Ana Mae habang ang aking mata ay sa labas pa rin nakatingin. Ang layo pa pala ng kanilang bahay mula sa gate. Narinig ko na napa ubo si Tatay Ramon ngunit hindi ko pinansin. Sapagkat abala at nag i-enjoy ako sa mga magandang tanawin sa labas.
"Bakit ka pa maghahanap ng afam. Malay mo kayo ng boss mo ang magkatuluyan. Binata pa siya bestfriend at ang gwapo niya." Tila kinikilig na saad ni Ana Mae.
"Ikaw na bata ka talaga Ana Mae. Maraming alam na kalokuhan. Ang bata pa ng kaibigan mo. Habang ang apo ni Donya Mila matanda na. Pero iha Haide parang bagay kayo ni Sir Diego. Kahit matanda na 'yun sa'yo. Mukhang bata pa tingnan dahil ang gwapo niya at mabait pa." Turan naman ni Tatay Ramon.
"Tay, ang akala ko ba bata pa si bestfriend? Bakit parang gusto mo rin siya para sa apo ko Donya Mila?" Nakanguso na tanong ni Ana Mae. Ngumiti lamang si Tatar Ramon at nag thumbs up sa akin. Kaya ngumiti din ako. Napaisip ako kung ano kaya ang hitsura ng amo ko? Ang apo ni Donya Mila. Hanggang sa huminto si Tatay Ramon sa isang malaking pintuan. Sobrang laki at ganda na parang nakakatakot hawakan baka madumihan..